Galido

Gen. Galido bagong Army chief

August 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 179 views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Lt. Gen. Roy. M. Galido bilang bagong commanding general ng Philippine Army.

Magsisilbi si Lt.Gen. Galido, na miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990, bilang ika-66 na commander ng Philippine Army.

Bago magsilbi bilang CGPA, hinawakan ni Galido ang ilang matataas na posisyon sa militar kabilang dito ang pagiging commander ng 6th Infantry Division at Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dahil sa hindi matatawarang kasanayan at kakayanan ni Galido sa pamumuno, naging matagumpay ang kanilang laban sa mga lawless elements partikular na sa Mindanao.

Naniniwala naman ang Department of National Defense na sa ilalim ng pamumuno ni Galido tiyak na maisusulong nito ang tinaguriang strategic path na itinakda ni PBBM para magkaroon ng katatagan sa gitna ng pabagu-bagong security landscape ng bansa.