Gela

Gela, umaming may BF na taga-Legit Status

August 19, 2023 Ian F. Fariñas 533 views

MAG-ISANG humarap si Gela Atayde sa welcome mediacon na ibinigay ng Star Magic kahapon para sa tagumpay niya at ng Legit Status dance crew sa World Hip Hop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona kamakailan.

First time ma-interbyu ng showbiz press ang dalaga nina Sylvia at Art Atayde pero agad silang na-impress sa pagiging articulate nito.

Isa-isang binati si Gela ng kapwa-Star Magic artists niyang sina Xyriel Manabat, Darren Espanto, JK Labajo, Kyle Echarri, atbp. sa pamamagitan ng isang AVP.

Sobra raw silang proud sa na-achieve ni Gela at kwento nga ni Xyriel, co-star niya sa upcoming Kapamilya series na Senior High, tinutukan nila ito sa video na ipinadala ni Sylvia sa kanila.

“Tita Sylvia, ‘asan na po ‘yung video, as in naka-abang kami sa performance mo,” sey pa ni Xyriel. Dagdag niya, “Never mo kaming ni-let down, sobrang… grabe ‘yung mga krumping mong ganu’n, I’m so proud of you!”

Ayon naman sa coach ni Gela na dumalo sa presscon, nakatanggap na ang grupo nila ng imbitasyon mula sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA) kaugnay ng parangal na ihahandog sa tagumpay nila.

Wala pa nga lang final na petsa at lugar kung saan gagawin ang seremonya.

May natanggap din daw na financial reward ang Legit Status mula sa organizers ng nasabing dance competition sa Arizona at “substantial” ang halaga nito.

Ibinahagi naman ni Gela na bata pa lang ay talagang hilig na niya ang magsayaw. May influence rin daw ang kuya niyang si Arjo dahil mas nauna itong mag-train kesa sa kanya.

Ngayong pinasok na rin niya ang show business, natanong si Gela kung sinong celebrity ang bet niyang turuang sumayaw. Binanggit niya ang pangalan ni Darren.

Paliwanag ng dalaga, nagkasama na sila ng Kapamilya singer sa isang prod number sa ASAP Natin ‘To kaya hindi na magiging mahirap sakaling magturuan sila.

Ayon kay Gela, supportive ang coach nila at ang Legit Status sa pagpasok niya sa showbiz. Maaaring maisantabi niya ang pagsali sa competition pero mag-i-stay siya bilang miyembro ng Legit Status.

Nang tanungin kung taga-Legit ba ang boyfriend niya, umamin ang dalaga.

“I prefer non-showbiz naman po,” sambit ni Gela.

AUTHOR PROFILE