
GCash users sa US, Canada puwede nang mag-real time pera padala
“This collaboration enhances financial control for OFWs and strengthens connections with their families, making the remittance process easier than ever.”
ANG leading finance application na GCash ay nakipagtulungan sa Viamericas, ang leading licensed money transmitter ng United States, upang real-time na makapagpadala ng pera ang mga Pilipino sa US at Canada sa kani-kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng kasunduang ito, ang mga OFWs sa North America ay maaari nang real-time na makapagpadala ng diretso sa GCash accounts ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nananatili ang United States (US) bilang nangungunang source ng remittances sa Pilipinas.
Sinabi ni GCash International general manager Paul Albano na ang kolaborasyong ito ay makapagbibigay ng ligtas na financial services sa mga Pilipinong naninirahan sa mga bansa sa North America at sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
“This collaboration enhances financial control for OFWs and strengthens connections with their families, making the remittance process easier than ever,” sabi ni Albano.
Samantala, sinabi naman ni Viamericas co-founder at executive chairman Joseph Argilagos na ang tulungang ito ay mas pinalalawak ang kanilang kapasidad at serbisyo sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulong ng GCash.
“This partnership perfectly aligns with our mission to empower communities by providing accessible, affordable, and reliable financial services,” saad niya.
Ang Viamericas ay mayroong branches sa iba’t ibang panig ng North America na siyang makatutulong upang madaling mahanap ng mga Pilipino abroad ang naturang transmitter at makapagpadala ng pera sa Pilipinas kahit nasaang parte sila ng rehiyon.
Matatandaang unang inanunsyo ng GCash ang pagpapalawak ng kanilang application sa iba’t ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng GCash Overseas. Ang GCash Overseas ay binibigyang oportunidad ang mga Pilipino sa abroad na magamit ang lokal na financial services ng GCash gamit ang kanilang international sim card.