GCash

GCash nakumpleto na ang wallet adjustments, sinigurado ang seguridad ng mga account

November 11, 2024 People's Tonight 91 views

IPINAHATID ng leading finance application na GCash ang mensaheng tapos at kumpleto na ang kanilang isinagawang wallet adjustments at idiniin na nananatiling ligtas ang seguridad ng mga account ng users.

Ito ay makaraang maglabas ng opisyal na pahayag ang kompanya upang tugunan ang mga report ng users na nagsasabing sila ay nawalan ng pera sa kanilang mga account nitong mga nakaraang araw.

Una nang sinabi ng GCash na ang nangyaring insidente noong umaga ng Sabado ay isang “technical glitch” na nangyari habang nasa system reconciliation process ang kompanya at application.

Siniguro rin ng GCash na lahat ng accounts ng kanilang mga customer ay ligtas at una sa kanilang prayoridad ang account security ng mga ito. Nananatili umanong dedikado ang kompanya sa pagbibigay ng maaasahan at ligtas na financial services.

“We are committed to enhancing our systems and procedures to prevent similar incidents and to continue safeguarding all transactions,” sabi ng GCash sa kanilang latest na pahayag.

Samantala, nananatili namang konektado’t nakikipagtulungan ang GCash sa mga awtoridad at mga ahensiya upang maimbestigahan ang naturang mga insidente.

“We will continue to work with relevant law enforcement agencies to investigate these incidents, and we encourage our users to remain vigilant against scammers,” dagdag ng GCash.

Inabisuhan din ng kompanya ang mga user na i-report ang kahina-hinalang mga mensahe o mga scam na kanilang mararanasan sa GCash help center at hotline ng kompanya na 2882.

AUTHOR PROFILE