GCash, DMW naglunsad ng financial freedom program para sa OFWs
ANG nangungunang finance application na GCash at ang Department of Migrant Workers (DMW) ay nagtulungang maipatupad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan sa Tarlac City para sa financial independence ng mga OFW.
Sa ilalim ng temang “Bagong Bayani Kaagapay sa Bagong Pilipinas,” ang two-day event program ay naghandog ng mga serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga pamilya tulad ng pre-employment at anti-illegal recruitment orientation seminars, welfare at legal assistance, at reintegration support gaya ng comprehensive government at financial services.
Nagsagawa rin ng financial literacy program ang GCash upang mabigyan ng oportunidad ang mga OFW na epektibong ma-budget ang kanilang mga pera at maturuan ang mga ito ng tamang pag-iipon.
Ipinakita at inilahad ng GCash ang kanilang mga serbisyo katulad ng ligtas na money tranfers, savings accounts, insurance, lending, at invesment options na lahat ay makikita sa GCash app.
Ayon kay GCash International general manager Paul Albano, ang mga serbisyong ito ay nakahanay sa misyon ng kompanya na magbigay ng financial access sa mga Pilipino sa buong mundo.
“We allow free Send Money from GCash Overseas to the GCash account of their loved ones in the Philippines instantly and to many, at multiple times. We have also partnered with international remittance centers with the most competitive exchange rates with minimal fees. This helps our hardworking OFWs save a lot as we provide them a more cost-efficient way to send money to their families back home,” sabi ni Albano.
Ayon naman kay GCash head of overseas acquisition marketing Adrian Galang, ang mga serbisyo ng GCash ay aksesable sa Pilipinas at sa ibang bansa upang mapaigting ang esensya ng financial wellness.
“GCash wants to emphasize that we are not only their partner for their ‘everyday’, but also help them prepare for the rainy days and build their ‘one day’,” dagdag pa ni Galang.
Samantala, sinabi ni DMW Usec. Patricia Yvonne “PY” Caunan na nakikita ng ahensiya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga lokal na ahensiya sa mga pribadong institusyon katulad ng GCash upang matulungan ang mga Pilipino na epektibong magamit ang kanilang finances.
“Our migrant workers leave the country to provide better lives for their families but it shouldn’t end there. Our end game should be that they can finally come home to their loved ones and through our partnerships, we will help them achieve their financial goals faster,” sabi ni Caunan.
Bukod sa mga serbisyo ng GCash, patuloy pa rin ang kompanya sa pagpapalawak ng kanilang mga serbisyo sa iba’t ibang panig ng mundo kagaya ng Canada, United Kingdom, Italy, Spain, United States, Germany, Qatar, Japan, Kuwait, South Korea, Taiwan, Hongkong, Singapore, at Australia upang mapaigting ang kanilang misyon na “Finance for All.”