Default Thumbnail

Gawaan ng bomba ng NPA sa E. Samar, nilusob ng militar, 16 rebelde patay

August 16, 2021 Zaida I. Delos Reyes 448 views

LABING-ANIM na miyembro ng New Peoples Army (NPA ) ang nasawi s isinagawang focused military operation ng Joint Task Force Storm sa Dolores, Eastern Samar nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala,
nagsagawa ng joint ground, air at sea operation ang Joint Task Force Storm laban sa rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na ituro ng isa sa mga residente sa komunidad ang lugar na ginagawang kuta at gawaan ng bomba o pasabog ng mga rebelde.

Narecover din ng militar ang 29 na matataas na kalibre ng baril mula sa mga kalaban.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde habang inaalam pa kung may mga nasugatan sa panig ng militar.

Kaugnay nito, pinuri naman ng pamunuan ng AFP ang kanilang tropa sa matagumpay na operasyon laban sa mga terorista.