
GAT susubukang mapansin tulad ng SB19
ISA kami sa natutuwa na nabibigyang-pansin na rin ng mga Filipino fans ang mga P-Pop groups tulad ng SB19, BINI, BGYO, Alamat at iba pa sa halip na naka-focus lamang sila sa mga K-Pop groups ng South Korea.
Sa sobrang sikat ngayon ng SB19 at BINI hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, hindi maikakaila na marami na ring bagong P-Pop groups at boyband ang nagsusulputan ngayon at in ana rito ang quintet boy group na GAT, acronym ng Gawang Atin `To, a name given to them by Viva’s big boss na si Boss Vic del Rosario, Jr.
Ang pinakabagong P-Pop group ay nasa pangangalaga ngayon ng Ivory Records (isa sa mga record labels ng Viva) and VAA (Viva Artists Agency). Ito’y binubuo ng limang kabataan na sina Ethan David, Charles Law, Michael Keith, Derick Ong at Hans Paronda. Ang iba sa kanila ay nagso-solo na bilang young singers and actors at kabilang sa hit series on Viva One, ang “Ang Mutya ng Section E” na tinatampukan nina Andres Muhlach, Ashtine Olviga at Rabin Angeles.
Nagsimulang mapansin ang GAT when they started doing covers tulad ng “Huwag Ka Nang Humirit” ni James Reid at “Marikit” nina Juan Caoile and Kylesmith. Their first hit cover song ay pinamagatang “Daleng-Dale” ng MMJ ay agad nag-trending at pumasok sa #8 ng Spotify Philippines’ Daily Viral Songs Chart.
Ang sariling choreography ng “Daleng-Dale” ng GAT ay nag-viral at ito’y ginagaya at sinasayaw sa TikTok ng netizens.
Although walong buwan pa lamang ang grupong GAT, unti-unti na ring lumalakas ang kanilang following at tinatawag nila ang kanilang growing fans na Gatdula.
Aminado ang GAT that they look up to SB19, BINI, BGYO and Alamat bilang inspirasyon at patuloy silang nangangarap na sana’y maabot din nila ang kasikatan ng mga ito balang araw at makapagtanghal sila hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Inside stories sa buhay ni Barbie pinag-uusapan pa rin
HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang hindi makapaniwala sa fans ng Taiwanese star na si Barbie Hsu (ng “Meteor Garden” fame) na pumanaw na ito nung nakaraang February 2, 2025 in Tokyo, Japan dahil sa pneumonia sanhi ng influenza complications. She was 48.
Nagtungo ng Tokyo, Japan ang pamilya ni Barbie nung January 29, 2025 para doon i-celebrate ang Chinese New Year.
Kilalang-kilala sa Pilipinas si Barbie Hsu dahil sa kanilang sikat na romance-drama-comedy series na “Meteo Garden” kung saan niya nakasazma sina Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu at Vanness Wu. Sa apat na leading men ay naging kasintahan ni Barbie si Vic Chou sa loob ng dalawang taon pero ito’y nauwi sa hiwalayan.
She dated Blackie Chan since high school sa loob ng pitong taon pero nagkahiwalay sila pero nanatiling close na magkaibigan. Pagkatapos, she dated South Korean singer na si Koo Jun-up na member ng Clon sa loob ng dalawang taon (1998 to 2000) pero nagkahiwalay sila dahil sa `dating ban’ na nakalagay sa kontrata nito sa kanyang agency. Muling nagkaroon ng ibang boyfriend si Barbie sa actor na si Lan Cheng (2001-2005) na tumagal na apat na taon. Dalawang taon naman niya naging nobyo si Vic Chou (ng “Meteor Garden” na nauwi sa kanilang paghihiwalay nung 2008. Nung November 16, 2010, she had a whirlwind romance with a Chinese businessman na si Wang Xiaofei na nauwi sa kanilang wedding banquet nung March 22, 2011 in Sanya, Hainan with a week-long honeymoon in Bhutan. Four days before the wedding ay sumailalim na operation si Barbie na naging daan ng kanyang miscarriage at ang kanilang wedding ay itinago sa media.
Nagkahiwalay sina Barbie at Wang nung 2021 at nagkaroon sila ng dalawang anak, a girl na si Wang Shi-yuen (10) and a boy na si Wang His-lin (9).
In 2022, nakabalikan at napangasawa ni Barbie ang kanyang ex-South Korean singer boyfriend na si Koo Jup-yap or DJ Koo pero hindi sila nagkaroon ng anak.
Sa desisyon, ang naiwang kayamanan ni Barbie ay paghahati-hatian ng kanyang (2nd) husband si Koo Jup-yap at dalawang anak ng singer-actress sa kanyang first ex-husband na si Wang Xiaofei. Since pareho pang menor de edad ang dalawang bata, ang pangangasiwa ay mapupunta sa ex-husband ni Barbie until such time na nasa tamang edad na ang mga anak. Ibibigay din sa kustodiya ng kanilang ama ang mga bata.
Samantala, kahit may ibang asawa na si Wang Xiaofei, ang Taiwanese medical aesthetics consultant na si Mandy Ma, nag-breakdown ito sa pagkamatay ng kanyang ex-wife na si Barbie. Naglakad itong pauwi ng 30 minutes na basang-basa sa ulan at bumalik umano ang depression nito at bipolar disorder.
Sobra namang ikinalungkot ni DJ Koo ang maagang pagkawala ng kanyang misis na si Barbie na sobra niyang minahal.
Unang primetime show ni Jillian nanganganib?
GAANO kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na agad tatapusin ang romance, drama-comedy series ng GMA na “My Ilongga Girl” kung saan tampok na mga bituin sina Jillian Ward at baguhang young actor na si Michael Sager dahil hindi umano ito pumapalo sa ratings?
Katunayan, nung January 13, 2025 lamang nagsimula ang serye sa ere pero magtatapos na ngayong araw na ito ng Biyernes, March 6, 2025 na hindi man lamang umabot ng dalawang buwan considering na nanggaling si Jillian sa isang top rating series, ang “Abot-Kamay na Pangarap” na tumagal sa ere ng dalawang taon.
Dapat siguro’y niluto muna ang tambalan nina Jillian at Michael sa ibang serye at hindi `yung isinalang agad ang team-up ng dalawa na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bida.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.