Vice

Gas station attendants, wagi ng P1 milyon

November 12, 2022 People's Tonight 272 views

Umapaw ang kasiyahan ng songbayanan ng gas station attendants matapos nilang mapanalunan ang P1 milyon na jackpot prize sa Everybody, Sing! noong nakaraang Sabado (Nobyembre 5).

Tumaas ang tensyon sa jackpot round noong apat na segundo na lang ang natira sa timer at may isa pang kanta na kailangan nilang mahulaan nang tama.

Matapos ang sunud-sunod na paghula sa loob ng natitirang oras, nakuha rin sa wakas ng gas station attendants ang tamang sagot na Sorry.

“Congratulations! Napakasaya ko para sa inyong lahat. Deserve na deserve ninyo ito. Napakaganda ng pangyayaring ito dahil ito ‘yung punto ng buhay natin na minsan susuko ka na, parang wala nang natitira, parang ubos na ‘yung meron ka, pero hindi eh. Kahulihulihan pinilit ninyo, inilaban ninyo, kaya naman napagwagian ninyo,” sabi ni Vice Ganda sa mga contestant.

Ang songbayanan ng gas station workers ang pangatlong grupo na nagwagi ng P1 milyong jackpot sa pangalawang season ng show matapos ang songbayanan ng bank employees at beauticians.

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.

Napapanood ito tuwing Sabado at Linggo, 7 p.m. (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 p.m. (tuwing Sabado sa TV5) at 9 p.m. (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC at TFC IPTV.

Lito, tampok sa ‘Darna’ bilang scientist

Patuloy ang paghahanap ni Darna (Jane de Leon) kay General Borgo (Richard Quan) sa pagnanais niyang mahuli na ang Martean na naghahasik ng lagim sa Nueva Esperanza sa season finale ng hit primetime series na Mars Ravelo’s Darna.

Tulung-tulong sina Darna, Hergis/Master Klaudio (Joko Diaz), Lolo Rolando (Levi Ignacio) at Ding (Zaijian Jaranilla) para mahanap na ang spaceship ni Borgo at umatake sa heneral.

Ipinakilala na rin ang karakter ni Dr. Florentino Ibarra sa serye na ginagampanan ng veteran actor na si Lito Pimentel bilang isang scientist na namumuno sa facility na itinaguyod para ikulong ang mga Extra.

Ayon kay Lolo Rolando, dati niyang estudyante si Dr. Ibarra na walang pakialam kung may masaktan na tao para sa kanyang mga eksperimento.

Sa pagsusuri ngang ginawa ni Dr. Ibarra, nalaman na niya na ang berdeng crystal ang nagbibigay kapangyarihan sa mga Extra.

Magtagumpay nga kaya si General Borgo, na nagtatago rin sa katauhan ni Madam Victoria (Carla Martinez), sa kanyang planong talunin si Darna sa tulong ni Dr. Ibarra?

Tuluy-tuloy ang seryeng nagtatampok sa iconic Pinay superhero sa pagwawagi sa puso ng mga manonood gabi-gabi.

Higit na nga sa 15 million combined views ang naitala ng episodes nito sa YouTube pa lamang sa week 12 na ipinalabas noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.

Mahigit 15.7 million combined YouTube views din ang naitala para naman sa episodes nito noong Oktubre 24 hanggang Oktubre 28.- Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE