Fuel

Gas magmamahal ng 55 cents/litro; diesel bababa 95 cents/litro sa Martes

April 22, 2024 Edd Reyes 84 views

MULING sisirit pataas ang presyo ng gasolina at bababa ng katiting ang presyo ng diesel at kerosene simula Martes ng umaga.

Sa ng Petron Corporation, PTT Philippines, Total Philippines, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines, 55 sentimos ang itataas ng kanilang gasoline per litro simula alas-6:00 ng umaga ng Martes at tatapyasan naman ng P0.95 sentimos kada litro ang diesel.

Magtatapyas din ng P1.10 kada litro ng kerosene ang Petron, Pilipinas Shell at Chevron.

Nag-anunsiyo rin ng parehas na dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong gasolina at diesel ang Petro Gazz, Phoenix Philippines, Unioil, at Eastern Petroleum na magiging epektibo ng alas-6:00 ng umaga habang alas-4:01 ng hapon ang Clean Fuel.

Ito na ang ika-anim na linggong sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng gasolina ng mga kompanya ng langis sa bansa.

AUTHOR PROFILE