Diesel

Gas bababa ng P1.55 kada litro, diesel P1.30 kada litro

September 9, 2024 Edd Reyes 121 views

BABABA ng P1.55 kada litro ng gasolina, P1.30 kada litro ng diesel at P1.40 kada litro ng kerosene simula 6:01 ng umaga ng Martes, ayon sa magkakahiwalay na abiso ng Petron Philippines, Pilipinas Shell at Chevron Corp., Seaoil Philippines at Flying V.

Ganito rin ang ibababa ng PTT Philippines, Total Philippines, Unioil Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum at Jetti Petroleum.

Magsisimula ng 12:01 a.m. ng Martes ang price decrease ng Clean Fuel.

Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMG) Assistant Director Rodela Romero, ilan lang sa mga dahilan ng bawas presyo ng mga produktong petrolyo ang maliit na demand sa langis ng China at Estados Unidos at ang napipintong pagdaragdag ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

AUTHOR PROFILE