Gas bababa ng 10 cents/liter, diesel 20 cents/liter, gaas 45 cents/liter sa Martes
MULING magpapatupad na katiting na bawas presyo ng gasolina, diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa Martes.
Ayon sa Petron Corp., Pilipinas Shell at Chevron Philippines, bababa ng 10 sentimos kada litro ang kanilang gasolina, 20 sentimos per litro sa diesel at 45 sentimos kada litro sa gaas simula alas-6:01 ng umaga ng Martes.
Magpapatupad din ng katiting na price drop at kahalintulad ng kanilang competitors epektibo alas-6:01 ng umaga ang PTT Philippines, Total Philippines, Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines at Eastern Petroleum.
Mauunang magbaba ng presyo ang Clean Fuel sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw ng Martes.
Nagpahayag ang Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na posibleng magtapyas ng maliit na halaga ang mga kompanya ng langis matapos lumiit ang pangangailangan ng China sa langis.