Gary V’s daughter Kiana now engaged
PROUD father si `Mr. Pure Energy,’ singer-songwriter, dancer, concert performer, host and record producer na si Gary Valenciano sa kanyang tatlong anak na sina Paolo, Gabriel at Kiana. And he is even more proud sa kanyang bunso at kaisa-isang anak na babae na si Kiana (Kristiana Maria Mikaela Pangilinan Valenciano) – 30 who is now engaged to be married sa kanyang non- showbiz fiancé na nagngangalang Sandro.
Si Gary V. na rin mismo ang nag-share ng magandang balita sa netizens sa pamamagitan ng kanyang IG account. “Friends? Ladies and gentlemen? Brothers and sisters? My beautiful forever-princess ‘ ring says it all,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account last Tuesday, August 8.
“I love you @kainavee!!! Am so happy for you (3 heart emojis).
“So much I want to tell you Kiana…but I think I will save that for a day when you and I can just sit and talk…just you and I before the big day arrives and the wedding bells toll. My heart tugs but not with sadness my dearest princess…but with the joy of the Lord for how He has orchestrated your life…and how He will continue to do so,” patuloy pa ng mensahe ni Gary V.
“I’m thankful for the young man the Lord allowed to find you. Love you too @senditro…what a joy it is to have youn in the V family (heart emoji) “#engaged” Gary V. has two other elder children with wife Angeli Pangilinan- Valenciano na sina Paolo at Gab.
Singer-turned stage and concert director Paolo Valenciano is the eldest and is married to Martin Nievera’s niece, Samantha Godinez-Valenciano. They have two kids – Nataleia Martine (Leia) – 7 and Luciano Mikael (6 mos.), the two grandchildren of Gary V. that he adores.
Si Gab naman ay second son ng mag-asawang Gary V. at Angeli. He married Tricia Centenera twice (in Tagaytay and Boracay) in 2015 peto ito’y nauwi sa kanilang paghihiwalay the following year, 2016.
Tricia, a Fil-Australian model-host and entrepreneur has found a new love, her non-showbiz partner na si Duane Santos with whom she has two beautiful daughters na sina Arabella at Zuri.
Gab is back in Los Angeles, California where he is currently based.
Umaasa rin ang mag-asawang Gary V. at Angeli na muling makakatagpo ng bagong mamahalin si Gab and will be able to raise a family of his own.
Ngayong malapit na ring mag-asawa ang kanilang unica hija na si Kiana, Gary V and his wife Angeli will be left by themselves although they get to see their eldest son na si Paolo more often laluna ang kanilang dalawang adorable grandkids.
Marco makulay ang lovelife
MUKHANG break na ang Fil-Italian actor at ex-PBB housemate na si Marco Gallo sa kanyang Fil-American girlfriend na si Rachel Hemphil whom he introduced sa kanyang Instagram account nung February 24, 2021.
Ang kaisa-isang anak ng mag-asawang actor-politician na si Richard Gomez at mayor ng Ormoc City na si Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez ang unang naging kasintahan ni Marco after he got out from Pinoy Big Brother house in 2016. But the relationship did not last nang mag-desisyon ang Fil-Italian actor na bumalik sa kanyang hometown in Italy in 2018 only to return to the Philippines in 2019 upang ipagpatuloy ang kanyang budding career sa bansa. Hindi man sila nagkabalikan ni Juliana, he found another love in Rachel nung 2021. Although hindi napabalita ang kanilang paghihiwalay ni Rachel, unti-unti namang lumilitaw ang kanilang rumored relationship ng bagong Viva young star na si Heaven Peralejo.
Sina Marco at Heaven ay parehong naka-kontrata dati sa Star Magic ng ABS-CBN bago sila lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency. Nagkalapit sa isa’t isa sina Heaven at Marco nang una silang magsama sa hit series ng Viva Studio for Viva One, ang “The Rain in Espana” mula sa adaptation ng Wattpad novel university series ni Gwy Saludes na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bituin. Ito’y pinamahalaan ni Direk Theodore Boborol at kung saan din tampok sina Gab Lagman, Bea Binene, Aubrey Caraan, Frost Sandolval, Francis Mangundayao, Nicole Omilio at iba pa.
Ang hit series ay agad sinundan ng first movie nila together under Viva Films, ang “The Ship Show” mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana na palabas ngayon sa mga sinehan.
Puno and Cinema 1 ng SM Megamall sa red carpet premiere ng pelikulang “The Ship Show” laluna ng mga fans ni Heaven at maging nilang dalawa ni Marco, isang indikasyon na may following na ang tambalan ng dalawa. Sila na nga kaya ang makakapalit ng hot loveteam noon nina James Reid at Nadine Lustre sa bakuran ng Viva na pumaimbulog ang kasintahan matapos silang pagtambalan sa isa pang Wattpad material, ang “Diary ng Panget” in 2014, almost a decade ago.
Controversial housemate engaged na
NINETEEN-year-old Ex-PBB Otso 6th placer Angelie `Lie’ Reposposa has been engaged to her British fiancé na si Paul Joshua Marsden nung February 20223 pero walang detalye kung gaano na katagal ang kanilang relasyon at kung paano sila nagkakilala.
Not too long ago ay naging controversial si Lie nang maging viral ang isang video ng isang babae (believed to be her) kissing a foreigner inside a bar pero hindi ito ang kanyang fiancé. But it was not confirmed kung si Lie nga ang nasa video at mukha namang hindi apektado ang relasyon niya sa kanyang fiancé matapos muling mag-post ang social media influencer, singer-actress ng kanilang sweet photo ng kanyang fiancé. Pero hanggang ngayon ay quiet lamang si Lie sa details ng kanilang upcoming wedding. At kung sila’y magpapakasal, will she join her future husband in U.K. o mananatili sila sa Pilipinas kung nasaan ang kanyang trabaho?
Lie was totally transformed nang siya’y lumabas sa PBB house in 2019. She is from Tagum City of Davao del Norte.
Nadine markado kahit walang ka-loveteam
MATAPOS ang pelikulang “Deleter” na pinagbidahan ni Nadine Lustre at pinamahalaan ng premyadong director na si Mikhail Red na siyang nanguna sa takilya sa 2022 Metro Manila Film Festival , balik ang tambalan nina Direk Mikhail at Nadine sa isa na namang horror movie under Viva Films na may working title na “Nokturno” na kung hindi kami nagkakamali ay malamang maging kalahok din sa 2023 MMFF.
Makakasama ni Nadine sa nasabing pelikula sina Eula Valdez, Bea Binene, Wilbert Ross at iba pa.
Nadine was able to stand on her own magmula nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si James Reid at markado na rin ang kanyang pagiging isang mahusay na aktres.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.