Gary V tuloy ang second night concert: ‘Walang makapipigil’
“I WILL be at the Araneta today. No weapon formed against me will prosper,” post ni Gary Valenciano sa kanyang Facebook page.
Nangangahulugan lamang na tuloy ang kanyang second night concert sa Big Dome matapos sumama ang kanyang pakiramdam noong Biyernes sa unang gabi ng kanyang Gary V Pure Enery: One More Time concert.
Magugunitang biglang inihinto ni Gary ang kanyang pagtatanghal matapos ang walong kanta. Inamin niya sa audience na hindi na maganda ang kanyang pakiramdam. Nag-alala ang lahat nang umakyat na sa stage ang ilang medical personnel upang ibaba sa entablado si Gary V at mabilis na isugod sa ospital.
Nagkaroon ng iba’t ibang haka-haka, mula sa pag-aalala kung gaano ba katindi ang kanyang karamdaman. May mga agam-agam din na dahil sa pangyayari, hindi na matutuloy ang second night ng kanyang concert.
Pero, dahil na rin sa maagap na pagsaklolo sa kanya, naging maayos agad ang lagay ni Mr. Pure Energy. Kahapon, nag-meeting ang kanyang team at bago mag-alas sais, in-announce na maayos na ang lagay ni Gary at tuloy ang concert.
Ang pagpapatuloy ng kanyang concert ay kinumpirma rin ng kanyang team at sinabing, “It’s a go! [folded hands emojis] Today’s Sunday DECEMBER 22 show will be pushing through.”
Nagpasalamat sila sa mga nagdasal para sa mabilis na pagbuti ng kanyang pakiramdam, gayundin sa mga nakabili na ng tiket dahil sa kanilang pang-unawa.
Sa pangunguna ng kanyang misis na si Angeli Pangilinan-Valenciano, humingi rin sila ng paumanhin. “We apologize for any inconvenience during the standby for this announcement. The decision of Gary came with much prayer. We will see you later tonight 8PM at SMART ARANETA COLISEUM for Gary V PURE ENERGY One More Time!”
Sa post ang kanyang misis na si Angeli kahapon, nagbigay siya ng detalye tungkol sa kalagayan ng asawa.
“Don’t worry, guys. Gary is ok, just dehydrated. He vomited about 8 times today. But I’m here with him, and he’s just weak,” saad niya sa isang FB post.
Pahayag pa niya, “To the fans, thank you! God is good. We love you all.”
Tiniyak ni Angeli na maayos na ang lagay ni Gary V.
“Sugar ok. BP ok. Creatinine ok. He is ok. Just weak from all the throwing up – from the stage to the stretcher is what happened but he is ok now. Just weak,” pagbabahagi niya sa post.
May naikwento rin si Angeli na tila may pumipigil sa pagtatanghal ng kanyang mister, dahil marami pa raw ang nangyari bago at pagkatapos ng concert.
“P.S. After his concert a drunken driver bumped his van. Such is life. Three hours before the concert his tech director broke his arm. Our accountant too. His driver got into an accident which rendered him on leave for 4 weeks and Gary drove and parked his car everywhere!” litanya niya.
May mga pagtatangka pa raw na sirain ang kanilang pananalig pero aniya, “We will not be broken. If He is for us who can be against us?”