Gary V

Gary V kinayang tapusin ang pangalawang gabi ng concert

December 23, 2024 Jun Nardo 126 views

HININGAL pero tinapos ni Gary Valenciano ang ni-reschedule na concert niya sa Araneta Coliseum nu’ng isang gabi, ayon sa isang kaibigang nakapanood nito.

Sa first night ng original schedule noong Dec. 20, hindi natapos ni Gary ang concert niya dahil sa masamang pakiramdam habang nasa stage.

Isinugod siya sa ospital at nang maayos na ang kalagayan, binigyan ng clearance ng doctor na puwede nang mag-concert muli.

Pero nu’ng simula ng concert, kinabahan ang lahat dahil may nangyaring hindi maganda kay Gary. Pero naging maayos naman ang kalagayan niya.

Hindi na nga lang nasunod ang original sequence ng concert at wait and see lang ang staff para malaman ang mga kakantahin niya.

Mas lamang ang ballad number ni GV kesa sa hataw niyang performance. Humataw din naman siya pero sa limitadong kanta lang niya.

In the end, ang hit song ni Gary na “Take Me Out of the Dark” ang last song niya at nagbitiw ng pahayag na hindi pa siya magre-retire.

Ang performances lang sa malalaking venue ang hindi na niya magagawa pa.

MMFF PARTNER ANG MEDIA

MAAYOS ang Parada ng Mga Bituin ngayon kumpara sa nakaraang taon.

Kung noon, eh, hinahabol at sumasakay sa bawat float ang TV crew para makausap ang mga artistang may entry, this time, meron nang press tent para sa lahat ng imbitadong members ng media.

Dumadaan doon ang mga artistang may entry at binibigyan ng ilang minuto para makausap ng press, lalo na ang main cast.

Of course, partner ang turing ng MMDA sa media, lalo na ngayong 50th edition ng Metro Manila Film Festival, huh!

MERRY CHRISTMAS!

MERRY, merry Christmas sa lahat ng readers at mga patuloy na tumatangkilik sa People’s Tonight!

Gawing maligaya at makabuluhan ang Pasko!

AUTHOR PROFILE