Paolo

Gary at Angeli may bagong apo

September 14, 2022 Aster Amoyo 269 views

GARY and Angeli Pangilinan-Valenciano are ecstatic over the news na muli silang magkakaroon ng bagong apo sa kanilang panganay na anak na si Paolo Valenciano at misis nitong si Samantha Godinez.

Ang mag-asawang Paolo at Samantha ay may isa nang anak na si Nataleia `Leia’ Martine (6) na unang apo sa parehong side ng couple.

Kung sina Gary at Angeli ang parents ni Paolo, sina Jaime at Gina Tabuena-Godinez naman ang mga magulang ni Samnatha. Si Gina ay half-sister (sa mother side) ng concert king na si Martin Nievera at best buddy ni Gary V. kaya apo na rin niya si Leia at bagong ipinagbubuntis ngayon ni Samantha.

Masaya ang both camps nina Paolo at Samantha dahil magkakaroon na ng baby sister or brother si Leia na magkakaroon na rin ng playmate.

Although minana ni Paolo ang pagiging mahusay na singer ng kanyang parents, mas busy ito ngayon bilang stage and concert director.

Paolo has two younger siblings na sina Gabriel at Kiana.

AMBSToni

AMBS nagsimula na

TAMA ang aming hula na sa pag-alis ni Toni Gonzaga ng ABS-CBN, lilipat ito at magkakaroon ng programa sa bagong bukas na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng business tycoon at dating Senate President na si Manny Villar na siyang naka-acquire sa prime frequency na dating hawak ng ABS-CBN, ang Channel 2.

Last Sunday, September 11 ay nakapag-test broadcast na ang ALLTV ng AMBS at simula kahapon, September 13 ay simula na ang programa ng bagong tatag na TV network at kasama na rito ang daily game show ni Willie Revillame, ang “Wowowin” na mapapanood from 7 p.m. to 8:30 p.m. nightly mula Lunes hanggang Sabado.

Mapapanood din sa ALLTV ang CNN Philippines News Night mula Lunes hanggang Biyernes, alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.

Every Saturday from 8:30 p.m. to 9:30 p.m. ay mapapanood naman ang K-drama series na “River Where The Moon Rises” simula sa darating na Sabado, September 17 at iba pang Asian TV drama series.

Ang hit YouTube channel ni Toni Gonzaga na “Toni Talks” ay magiging talk show na rin sa telebisyon.

Samantala, bukod sa nightly game show na “Wowowin” ni Willie Revillame ay nariyan din ang “InstaJam” among the variety shows and more to come.

Bukod kina Willie, Toni at mister nitong si Paul Soriano, kabilang na rin sa mga early talents ng AMBS sina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Anthony Taberna kasunod ang iba pang talents na nakatakdang i-announce ng ALLTV management.

Since marami ang nawalan ng trabaho sa ABS-CBN dahil sa pagkawala ng kanilang prangkisa, tiyak na marami sa kanila ay makakahanap na trabaho sa Villar-owned TV network.

Ang isa sa tatlong anak nina former Senate President Manny Villar at ni Sen. Cynthia Villar na si Manuel Paolo Villar ay direktang involved sa management operation ng AMBS2.

Si Paolo ay nagtapos sa Wharton School of the University of Pennsylvania, Philadelphia, USA with a Bacherlor of Science degree in Economics and Bachelor of Applied Science in 1999. Bago siya naging bahagi ng kanilang family corporation ay naging consultant siya for McKinsey & Co. sa Amerika mula 1999 hanggang 2001. He joined Crown Asia in 2001 bilang Head of Corporate Planning then na-elect siya bilang president and CEO ng kumpanya nung 2011. Bukod dito, siya rin ang tumatayong President & CEO ng Vista Land & Lifescapes at President-CEO ng St. Augustine Gold and Copper Limited.

Kung si Paolo ay tutok sa negosyo, pinasok naman ng dalawang niyang kapatid na sina Mark at Camille Villar ang larangan ng pulitika. Nasa senado si Mark along with their mom na si Sen. Cynthia Villar at nasa kongreso naman si Camille.

Since out na sa pulitika si former Senate President Manny Villar, silang dalawa ni Paolo ang magkatulong sa pamamahala ng kanilang mga negosyo na ang pinakabago ay itong TV and radio broadcasting business.

Coco

Coco magiging abala sa shooting ng MMFF movie at US concert tour

MAGSISIMULA na ang shooting sa katapusan ng buwang kasalukuyan ang pelikulang “Labyu with Accent” na unang pagtatambal sa pelikula nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na si Coco rin mismo ang magdidirek.

Bukod sa Pilipinas, may mga eksenang kukunan sa Amerika dahil isang successful OFW sa Amerika ang papel na gagampanan nin Jodi bilang si Trisha.

Ang “Labyu with Accent” ay isa sa walong official entries ng 2022 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko on December 25 at magtatapos on January 7, 2023.

Inamin ni Coco na kabado umano siyang idirek si Jodi dahil napakagaling nitong artista.

Ang dalawa ay huling napanood sa kanilang respective hit TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kay Coco at “The Broken Marriage Vow”naman kay Jodi na parehong napanood sa Kapamilya channel.

Bukod sa filming ng pelikulang “Labyu with Accent,” magkakaroon din ng Pasasalamat tour ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pangungunahan mismo ni Coco at kung saan naman special guest si Jodi Sta. Maria. Ito’y nakatakdang ganapin sa susunod na buwan. Ito’y pinamagatang “FPJ’s Ang Probinsyano: Pasasalamat Tour U.S.A.”

Ang mga lugar na kanilang pagtatanghalan ay sa Sycuan Casino in San Diego on October 1, sa Yaamaya Resort and Casino in San Manuel, California on October 2 at sa Farrington High School Auditorium in Honolulu, Hawaii on October 23.

Makakasama ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano: Pasasalamat Tour U.S.A.” ang ilang miyembro ng Task Force Aguila na sina Michael de Mesa, Raymart Santiago, Marc Solis, Sancho de las Alas, Jay Gonzaga, Smugglaz at Bassilyo.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtapos nung nakaraang August 12 ay siyang longest-running action drama series na tumagal sa ere ng pitong taon and consistently on top of the ratings.

Lumulutang naman ang balita na ang susunod umanong gagawing TV series ni Coco ay base sa isa pang classic films ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr., ang 1987 hit movie na “Batang Quiapo” na pinagtambalan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Claudine

Fans natuwa sa pagbabalik ni Claudine

MARAMING fans ni Claudine Barretto ang natuwa nang mapanood nila ang kanilang idolo sa special four-part series ng “Tadhana: Hanggang Kailan” kung saan co-star ni Clau si Gladys Reyes at kung saan din kasama sina Katrina Halili, Marco Alcaraz, Allen Dizon, Sofia Pablo, Allen Ansay at iba pang Kapuso talents.

Ang second part ay mapapanod sa darating na Sabado, September 17, 3:30 p.m. sa GMA.

Umaasa ang supporters ni Claudine na tuluy-tuloy na ang muli nitong pagiging aktibo muli sa kanyang showbiz career.

Bukod sa “Tadhana: Hanggang Kailan,” si Claudine ay huling napanood sa pelikulang “Deception” na balik-tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez na dinirek ni Joel Lamangan at joint production ng Viva Films at Borracho Films.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE