Default Thumbnail

Ganito kami sa Kyusi

December 19, 2022 Allan L. Encarnacion 370 views

Allan EncarnacionSUNUD-SUNOD ang banner year ng Quezon City.

Iba’t ibang parangal ang tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at QC government mula sa DILG for good governance and good housekeeping, sa Commission on Audit at kung saan-saan pang international award-giving body.

Hindi pa ito nangyari sa lungsod magmula noong 1986 dahil wala akong matandaang ganitong klase ng recognition sa competency, leadership proficiency, local administation, business-friendly-and made easy, financial management and people-centered governance.

Hindi ko pa nakakausap nang personal si Mayor Joy pero halos lahat ng speaking engagement niya ay pinapanood ko. Prangka, pilya, malaman at marami kang makukuhang inspirasyon sa kanya.

Prangka na may pagkapilya, iyong klase ng pagsasalita na hindi boring at kayang sabihin ang mga nasa isip niya sa paraang matutuwa ka.

Pero iyong management style marahil ni Mayor Joy ang nagdala sa QC kung nasaan siya ngayon bilang richest city sa buong bansa.

By nature, gifted talaga ang QC dahil una, siya ang pinakamalaking lungsod, sentro ng NCR, napakalapad at interconnected ang mga kalsada, marami pang lugar for developments.

Kaya nga importante na ang mga nagiging alkalde rito ay may totoong malasakit at mataas ang level ng kaalaman sa pagpapatakbo ng premier territory. Nang maging alkalde si Mayor Joy, nag-iba ang persepsiyon ng mga residente rito dahil nakitaan siya ng micro and macro managegement style para epektibong madala ang lungsod sa greater height ng peace and progress.

Regular akong nagdiya-jogging sa QC Memorial Circle kaya regular kong nakikita ang mga programang pagtulong sa mga senior citizens. Alternate, kung minsan naman mga solo parents at mga nakikitaang kong nagsusuguran doon para sa kabuhayan assistance ng lungsod.

Halos every other week, nagpapalitan ang mga beneficiaries doon sa covered court na may capacity atang isang libong tao, na binibigyan ng tulong ng pamahalaang-lokal.

Kung minsan naman, mga puhunan serye ang nakikita nating kinukuha ng mga mamamayan sa covered court kaya natutuwa tayo sa consistency ng programa ng QC government.

Ganito talaga kami sa Kyusi kaya maraming mga nasa ibang lungsod na gusto nang magpaampon kay Mayor Joy para maging bahagi ng regular economic assistance ng pamahalaang-lokal.

Kapag talaga masinop ang paghawak ng pondo gaya ng award ng COA sa QC, maraming makikinabang at tumatagos hanggang sa poorest of the poor ang mga biyaya ng pamahalaang lokal.

Congrats kay Mayor Joy and congrats sa team QC sa panibagong award na kanilang natanggap mula sa DILG para sa good house keeping and seal of good governance.

[email protected]