Default Thumbnail

Gang ng mga pulis kidnappers nabuwag

June 5, 2024 Alfred P. Dalizon 307 views

INIULAT Maertes ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Francisco D. Marbil ang pagkakabuwag sa isang gang ng mga tiwaling pulis na sangkot sa kidnapping-for-ransom activities sa Metro Manila matapos ang isang malawakang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na aktibong miyembro ng Pambansang Pulisya, isa sa kanila ay may ranggong Major.

Ipinangako din ni i Gen. Marbil at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr. na hindi sila titigil hanggang hindi napapatawan ng habang buhay na pagkakabilanggo ng korte ang apat na akusado.

Ayon sa hepe ng PNP, kabilang sa mga suspects ang ilang ‘motorcycle-riding cops’ o ‘Hagad’ na magpapahinto sa sasakyan ng kanilang mga targets bago sila dakmain at isakay sa iabng sasakyan ng kanilang mga kasabwat.

Kinilala ni Sec. Abalos ang mga naarestong pulis na sina Major Christel Carlo Villanueva,34; Police Senior Master Sgt. Angelito David,49; Police Staff Sgt. Ralph Tumanguil,47; at Police MSgt. Ricky Tabora,46.

Sina PMSgt. David na isang miyembro ng Makati City Police Station Motorcycle Unit at PSSgt. Tumangul, naka-assign sa NCRPO Regional Logistics Division sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan ay positibong kinilala na kabilang sa mga kumidnap sa apat na Asyano.

Si Villanueva, graduate ng PNP Academy na nakadestino sa Pasay City Police Station at si PMSgt. Tabora, naka-assign sa NCRPO Regional Headquarters Support Unit ay sinabi namang mga ‘planners’ ng pangingidnap sa mga dayuhan.

Ayon kay Abalos, ang pagkakahuli sa apat ay isang patunay ng magandang performance ng PNP sa pamumuno ni Gen. Marbil na nangakong wala siyang sasantuhin na mga pulis scalawags.

Pinuri din ni Sec. Abalos ang National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni Major Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang Southern Police District sa pamumunoni Brigadier Gen. Leon Victor Z. Rosete, ang PNP Anti-Kidnapping Group na pinamumunuan ni Brig. Gen. Cosme A. Abrenica at ang Pasay City Police Station sa pamumuno ni Colonel Samuel B. Pabonita sa kanilang sama-samang pagtattrabaho para mabuwag ang sindikato ng mga tiwaling pulis.

Sinabi ng NCRPO na bandang 2:20 ng umaga noong Lunes, tatlong Chinese nationals at isang Malaysian tourist na nakasakay sa isang Lexus car na may plakang NEC 1768 ang biglang pinara ng dalawang pulis-Hagad sa kahabaan ng Taft Avenue sa Barangay 44, Pasay City.

Nang sila ay huminto, nagulat ang apat ng sila ay biglang dakmain at posasan ng dalawang Hagad at iba pang mga suspects na sakay ng isang silver/white van. Ang apat ay sapilitan ding ipinasok sa van ng mga kidnappers.

Ngunit ng umalis ang dawalang hagad, nanlaban ang dalawang nakaposas na biktima sa mga kidnappers at matagumpay na nakatakas at humingi ng tulong sa mga local barangay officials.

Matapos ito, kinuha ng ibang mga kidnappers ang Lexus car ng mga biktima at dinala ang natitirang dalawang dayuhan sa kanilang safehouse. Pinakawalan ng mga suspects ang dalawa matapos na sila ay magbayad ng P2.5 million ransom sa pamamagitan ng USDT Crypto currency E-Wallet.

Kinilala ang dalawang nakatakas na biktima na sina Meng Zhao,29; at Yan Zhuan Zhuan,30, pawang Chinese nationals.

Ang dalawa na nakidnap at nagtamo ng mga bugbog sa katawan sa kamay ng mga kidnappers ay sina Malaysian national Tang Heng Fei,25; at isa pang Tsino na si Zhi Yi Xuan,25,

Sinabi ni Maj. Gen. Nartatez na kanila pang hinahanap ang 10 pang kasamahan ng apat na pulis. Kinilala ang mga ito na isang alias ‘Mike,’isang diumano’y pekeng immigration agent; isang alias ‘Eric’ na sinasabing isang dating konsehal sa isang siyudad sa Metro Manila,; isang alias ‘Mon,’ isang ‘Ramon,’ isang alias ‘Bryan,’ isang alias ‘Spider’ and apat pang John Does.

Kabilang sa apat na John Does ang isang Chinese, isang Malaysian at dalawang Pinoy.

Sinabi ng liderato ng PNP na nahuli ang apat na pulis sa pamamagitan ng isang major investigation na inilunsad ng NCRPO, ng PNP-AKG at ng SPD.

Ang major breakthrough ay natamo ng makilala ng mga imbestigador na nagreview ng mga CCTV footages sa lugar ang hagad na si PMSgt. David nang kanyang parahin ang sasakyan ng mga biktima

Nang ilagay sa pagsisiyasat, bumigay si David at itinuro si PSSgt. Tumanguil na kanyang ‘buddy’ nang mangyari ang actual kidnapping.

Dahil sa masusing pagtatanong ng NCRPO Regional Intelligence Division na pinamumunuan ni Colonel Jess B. Mendez, nakilala din si PMSgt. Tabor ana umaktong ‘middleman’ ng sindikato.

Nang sia ay dinala sa SPD headquarters para mas lalong maimbestigahan, pumiyok na si PSMgt. David at itinuro si Maj. Villanueva at ang dalawa pang pulis na kasangkot sa Pasay City kidnapping.

Ang mga biktima at isang eyewitness sa lugar ang nagturo din sa mga akusado.

Noong Martes, sinabi ni Maj. Gen. Nartatez na sinamphahan na nila ng mga kasong kidnapping-for-ransom robbery at violation ng Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act ang apat na pulis sa opisina ni Pasay City Prosecutor Jannete Herras-Baggas.

Ang apat ay humiling na sila ay isalang sa isang preliminary investigation.

Sinabi ni Sec. Abalos na ang mga motorsiklo, PNP-issued firearms at badges ng apat na akusado ay kinumpiska na. Pinuri din niya si Gen. Marbil sa pasya nito na mahubaran ng maskara at makulong at matanggal sa serbisyo ang sinumang bugok na pulis anuman ang kanilang ranggo at posisyon sa Pambansang Pulisya.

Pinayagan ni Sec. Abalos na i-present sa media ang mga biktima at ang mga akusado. Isa sa mga Chinese victims, sa pamamagitan ng isang interpreter ay lubos na nagpasalamat sa PNP sa malking tulong na ibingay sa kanila para makamit nila ang hustisya na kanilang hinahanap.

“We’re not happy na me mga involved na pulis dito. Hindi na natuto mga ito pero this is life imprisonment,. You destroyed your lives, you destroyed your family at hindi po tama ang inyog ginawa.

Lahat ng pulis na involved dito, they will die in prison,. Sisiguraduhin po natin yan,” sina ni Gen. Marbil.

Dinagdag pa ng PNP chief na labis silang nababahala sab agog modus operandi ng mga bugok na pulis “Yung isa ang ginamit na motor is a PNP-issued motorcycle. Yung isa, private motorcycle na nilagyan ng blinker. That’s why we are going hard after illegal use of sirens and blinkers in the country,” sinabi niya.

AUTHOR PROFILE