Default Thumbnail

Gambling lord sa Region 4 dating nasa PNP drugs watchlist?

June 3, 2023 Marlon Purification 207 views

Marlon PurificationHANGGANG ngayon ay laman sa social media ang pagkakasamsam sa 990 kilo ng shabu mula sa isang police master sergeant na dati na palang nasa drugs watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung naibenta ang mga naturang shabu, malamang ay maraming buhay na naman ang nasira, napahamak at posible pang makagawa ng isang karumal-dumal na krimen.

Marami tuloy ang nagtatanong kung nakabalik na naman ba ang mga ‘ninja cops,’ dahil alam naman pala ng PNP na ang suspect na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr., ay isang nasa PRRD drugs watchlist ay bakit pa pinabalik ito sa serbisyo.

Marami ang naniniwala na ang isang sarhentong pulis na katulad ni Mayo ay hindi maaaring humawak ng worth P6.7 billion kung walang malalaking tao ang nasa likod nito.

***

Samantala, speaking of PRRD drugs watchlist, divan pala sa lalawigan ni Laguna Gov. Ramil Hernandez ay may isang namamayagpag na jueteng lord na dati ring High Value Target (HVT) ng PNP.

Ang tinutukoy nating jueteng operator ay nagtatago sa alyas Ose.

Sinabi ng ating source na noong Duterte administration ay nagtago ito sa mahabang panahon dahil sa pagkakasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kanyang pagtatago ay namorsiyento ito sa e-sabong na noong panahong iyon ay legal at may prangkisa ng PAGCOR.

Dahil bawal na ngayon ang online sabong, bunsod sa issue ng 34 missing sabungeros, huminto na rin ang legal na e-sabong.

Ang catch, muling lumantad są kanilang probinsiya si Ose at buong tapang na hinawakan ang napakalaking jueteng operation.

Hindi ko sinasabing sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang jueteng lord na ito.

Pero dahil dati na siyang ikinonsiderang High Value Target ng PNP, walang masama kung mag-validate muli ang intel community.

Kasi, hindi lang illegal gambling ang pinag-uusapan dito, kundi illegal drugs na rin mismo!

***

Siyangapala, bukod kay Tose, talamak pa rin ang illegal gambling sa iba pang probinsiya ng southern tagalog.

Sa lalawigan ng Rizal ay namamayagpag pa rin ang iligal na sugal ni Bolok, sa Quezon ay si E, C ng Batangas, J at katiwalang si J sa Cavite.

Pati ang pergalan ni Aling Tessie ay para ring mga kabute na nagsulputan sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), samantalang talamak din ang iba pang sugal lupa tulad ng sakla, EZ2 at marami pang iba.

At kahit may EO9 ang Pangulong Marcos na nagsasabing bawal ang e-sabong sa Pilipinas, tuloy din umano ang illegal na sabong online sa Region 4-A.

Sana ay may gawing aksiyon dito si PRO4-A chief Brig. Gen. Carlito Gaces.