Kitana

Galit kay Kit, ibinuhos sa tweets

March 18, 2022 Jun Nardo 465 views

UMUUSOK sa galit ang mga Marites na netizen dahil sa report na umano’y pag-detain at pambubugbog ng aktor na si Kit Thompson sa girlfriend na si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay.

Naku, trending sa Twitter si Kit kahapon at sa tweets nila ibinuhos ang galit sa showbiz hunk, huh!

Base pa sa report, na-rescue na si Ana at nadala sa ospital habang dinala na sa police station si Kit for questioning.

Naglabas na ng statement ang management ni Kit, ang Cornerstone Entertainment.

“We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite.

“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter.

“However, the public (is requested) to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online,” saad sa statement.

EDU: ANG ATIN AY ATIN

NANINIWALA ang actor-host na si Edu Manzano na ipagtatanggol ni VP Leni Robredo ang teritoryo ng Pilipinas laban sa mga dayuhan.

“Kay VP Leni, sigurado tayo. Ang atin ay atin!” bulalas ni Edu sa isang video kung saan binanggit ni VP Leni ang posisyon ukol sa isyu ng We Philippine Sea.

“Ipaglalaban niya ang Pilipinas para sa Pilipino,” dagdag pa niya.

Kapwa masugid na tagasuporta ni VP Leni sina Edu at ang mimamahal niyang si Cherry Pie Picahe. Nag-host pa ang dalawa sa nakaraang campaign rally ng Bise Presidente sa Iloilo.

Kasama rin siya sa grupo ni VP Leni sa Bacolod kung saan mahigit 80,000 umano ang dumalo.

AUTHOR PROFILE