Posas

Gahasa nabitin dahil nagutom ang biktima, 9

July 9, 2023 Jonjon Reyes 500 views

ARESTADO ng mga operatiba Ng Dagonoy PCP MPD Station 6 ang isang construction worker matapos ireklamo ng statutory rape sa siyam na anyos na paslit sa San Andres Bukid,Maynila madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Jason Aguilon, sa isinagawang imbestigasyon ng MPD Sta.Ana Police Station (PS6), kinilala ang suspek na si Jefferson Ocenar, 35, construction worker, nakatira sa 1664 Onyx Street, Brgy 775, San Andres Bukid.

Sinamahan ang biktima ng kanyang ama upang maghain ng reklamo sa pulisya.

Nangyari umano ang insidente bandang 3 a.m. sa loob ng bahay ng biktima kung saan kamag-anak nito ang suspek.

Ayon sa imbestigasyon, nakahiga at natutulog ang biktima nang hawakan ng suspek ang mga maseselang bahagi nito.

Nang magising ang biktima ay mabilis na bumangon at bumaba ito mula sa kanyang kwarto at nagkunwaring maghahanap ng pagkain ngunit mabilis na tumakas ang bata mula sa suspek.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang at agad silang humingi ng tulong sa Dagonoy PCP na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Nahaharap sa kasong R.A. 11648 (Statutory Rape) kaugnay ng RA 7610 laban sa suspek.

Ang suspek ay sasampahan ng mga kaso sa City Prosecutor’s Office sa Manila.

Si PSSg Kathrine Joy D Ong ang siyang may hawak ng kaso.

AUTHOR PROFILE