Rob

‘Gabi’ ni Rob, namamayagpag sa TikTok

January 28, 2022 Ian F. Fariñas 106 views

MAY fresh talent na namamayagpag ngayon sa TikTok pero hindi dahil nilamon na rin siya ng kung anong latest dance challenge o kaya naman ay pakwelang paandar sa short-video form networking service kundi dahil sa kanyang kanta, Gabi, na kinagigiliwan ng mga TikTokerist.

Siya ang 19-year-old Viva Records artist na si Rob Deniel (@senior_rd), isang Multimedia Arts college student na may pagka-retro-pop ang mga kanta dahil mahilig sa Manila Sound songs ng icons gaya nina Rico J. Puno, Apo Hiking Society, Hotdog at Rey Valera.

Sa totoo lang, ni-release ni Rob ang mid-tempo power ballad na Gabi noon pang 2020 kasabay ng nauna niyang single na Ulap.

A year later, napansin na nga ang Gabi sa TikTok at marami na ang gumamit nito bilang “soundtrack” ng kani-kanilang short video uploads.

Paliwanag ni Rob, “TikTok is more our generation, the same way Facebook is for my parents. I use it to share my music. We’re actually lucky to have this kasi we can reach out to my listeners, especially during these times. And if they feel they can relate to my song, then by all means, express it and use it as they see fit. I also enjoy seeing how they use Gabi on TikTok.

“I think it’s only now that people are getting around to liking the song. I guess, listeners are only now relating to the song.”

Para kay Rob, tama ang interpretation ng netizens sa kanyang composition dahil may ilan sa kanila na ginamit ang kanta habang nagda-drive sa kung saan o kaya naman ay nagre-reminisce ng night outs kasama ang kanya-kanyang mga tropa.

Anang singer-songwriter, “People have the right idea about the song. When I wrote it about two years ago, I was thinking about the feeling of longing to be with someone.

“Matagal ko nang nasulat ang Gabi, early pandemic pa. Wala lang, gusto ko lang siguro may ka-interact na tao, gusto may kakulitan, kalambingan, hahaha, joke lang! Gusto ko lang may kasama palagi, gusto ko may group of people na kasama ko palagi like my family, wala namang specific na isa lang,” paglilinaw niya nang tanungin kung may special someone siya na gustong makasama.

Dagdag niya, high school pa ang huling relasyon niya at sa ngayon, talagang loveless siya.

Anyway, mapapakinggan ang ’60s-inspired, retro-flavored songs ni Rob, kabilang na ang latest single niyang Diwa, sa Spotify, Apple Music at YouTube Music.

AUTHOR PROFILE