Gabbi

Gabbi inamin ang pag-o-audition sa ‘Pinoy Big Brother’ Teen Edition

March 2, 2025 Vinia Vivar 147 views

Inamin ni Kapuso actress Gabbi Garcia na nag-audition siya sa “Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4” way back in 2012 kung saan ay si Myrtle Sarrosa ang naging big winner.

“I’ve been such a fan of ‘PBB,’ I grew up watching ‘PBB,’” simulang kwento ni Gabbi sa ginanap na grand mediacon ng “PBB Celebrity Collab Edition” last Saturday.

Dahil teenager pa lang siya nu’n ay nagpapaalam pa siya sa parents niya na mag-extend ng panonood ng TV dahil late night na ipinalalabas ang “PBB.”

“I was a kid watching the television in my room. I saw ‘PBB’ audition na meron, pwede kang pumila, kahit sino, niyaya ko na ka’gad ‘yung mommy ko. Sabi ko, ‘mommy, I wanna line up and I wanna join,” pagre-recall ni Gabbi.

Tandang-tanda pa niya na sa Mall of Asia ginanap ang audition at sa dami ng auditioness, pumila siya mula 9 a.m. hanggang 5 a.m. the next day.

“I remember, 5,000 auditionees that day, I was 3,900 something. So I lined up from 9 a.m. to 5 a.m. the next day. Yes, ganu’n siya ka-intense,” kwento ng aktres.

Bale ba ay may pasok siya sa school the next day kaya nagagalit na raw ang mommy niya.

“Pero kasi, I really wanted talaga. I was so curious as a kid to see what’s really going on inside the house,” paliwanag niya.

“Luckily, I got in the first screening. On the 2nd screening, it was here na, inside the bahay of Kuya, hindi na ako na-bless na makapasok after that,” aniya.

As they say, the rest is history…

Taong 2014 nang maging Kapuso artist si Gabbi at mabigyan ng break sa teleseryeng “My Destiny” at nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang showbiz career.

Hindi niya akalaing darating ang time na iho-host niya ang kanyang favorite program noon, lalo pa ang big collab na ito ng ABS-CBN at GMA-7.

“So, today, it’s such a full circle moment for me to be able to, you know, audition how many years ago, and then right now, I’m standing in front of you as a host,” masayang wika ni Gabbi.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa napakalaking opportunity na ito na ibinigay ng GMA-7 at ABS-CBN. Sobrang excited na raw siyang matupad ang pangarap niya na makita ang loob ng Bahay ni Kuya.

“I’m so humbled and I’m so grateful for this opportunity. I’m thankful to the bosses of GMA, of ABS-CBN for considering me to be part of this history.

“And I’m really excited to get to know all the housemates, to get to see the house, and abangan pa natin kung ano ang mangyayari sa ‘kin sa takdang panahon. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, si Kuya na ang bahala,” sey ni Gabbi.

Sa naturang groundbreaking collaboration ng GMA at ABS-CBN sa “PBB Celebrity Collab Ediiton,” for the first time, stars from both Sparkle and Star Magic will enter the “PBB” house.

Hindi pa ina-announce kung sino-sino ang celebs na papasok sa Bahay ni Kuya although naglabas na sila ng teaser at ipinasilip ang isang parte ng mukha (either mata or lips) ng housemates. Pero ang hirap pa ring hulaan, huh!

Magsisimula na ang “PBB Celebrity Collab Ediiton” ngayong March 9 at mapapanood ito ng 10 p.m. on weeknights at 6:15 p.m. on weekends sa GMA-7.

Aside from Gabbi, mapapanood pa rin as hosts sina Bianca Gonzales, Robi Domingo at Kim Chiu kasama sina Enchong Dee, Melai Cantiveros, Alexa Ilacad and Sparkle artist Mavy Legaspi.

AUTHOR PROFILE