
Gabbi Garcia bet makasama si Echo
INAMIN ng aktres na si Gabbi Garcia na bet niyang makasama sa isang pelikula si Jericho Rosales.
Sa quick interbyu sa kanya ng isang pahayagan, tinanong siya kung sino ang gusto niyang makatambal na aktor o aktres na nasa Kapamilya network. Agad naman niyang sagot na si Jericho, dahil may pelikula umano itong naudlot na pagbibidahan sana nila.
Aniya, “Siguro si Kuya Echo. We were supposed to do a project before, na naudlot lang sayang. We were constantly talking na about the project kaso nagkaproblema lang with the producers and everything. Sana magkaroon ng opportunity.”
Hindi naman ibinunyag ng aktres ang dahilan kung bakit naudlot ang nasabing pelikula.
Ibinahagi rin ni Gabbi na isa rin sa mga pangarap niya ang pagsali sa beauty pageant, pero may iba siya ngayon na pina-priority.
“It’s a childhood dream. If we’re talking desire, gusto ko talaga. In reality kasi, I have a lot of things to consider, it’s a decision making na hindi madali. I need to wait for things, because I have contracts, brand associates. I’m not sure it is a smart thing to do right now,” saad ni Gabbi.
Idiin pa ng aktres na hindi lahat ng gusto natin ay gawin nang basta-basta. Kailangan umano nating pag-isipan nang mabuti at alamin ang mga dapat ikonsidera.