Malu Barry

Fundraising show para kay Malu

December 10, 2023 Aster Amoyo 209 views

ISANG fund-raising show ang nakatakdang ganapin sa darating na December 16, 2023, 7 p.m. sa Anonas Bistro na tatampukan ng veteran singer-actress na si Malu Barry para makalikom ng funds para sa kanyang pagpapagamot sa kanyang stage 3 Cervical Cancer.

Pinamagatang “Show for a Cause: Featuring Malu Barry,” the fund-raising show was organized by Malu’s friends. Tickets are priced at P1,500 na may kasamang dinner.

Gustong pasalamatan ni Malu sina Ka Obet Martin, Dr. Kelly Salvador, Patricia Javier, Joel Cruz at Mina Ong dahil sa walang sawang suporta sa kanya.

Si Malu ay sumasailalim na ng iba’t ibang medical procedures at kasama na rito ang chemotherapy, radiation at brackytherapy.

Kahit may pinagdadaang sakit si Malu, gusto niyang ipaalam sa lahat na kaya pa rin umano niyang mag-perform lalung-lalo na umano ngayon na nangangailangan siya ng malaking halaga for her medical treatment.

Ang Anonas Bistro kung saan nakatakdang magtanghal si Malu ay matatagpuan sa 245-K 6th St. corner Anonas, East Kamias, Quezon City.

AUTHOR PROFILE