Ogie

Fundraiser, pangungunahan nina Ian at Ogie

November 30, 2021 Ian F. Fariñas 126 views

MATAPOS mabalita na laglag na siya sa ABS-CBN series na ’Wag Kang Mangamba ay balik-limelight ang actor-singer na si Ian Veneracion para sa isang fund-raising concert kasama ang ka-Kilabotitos tandem niyang si Ogie Alcasid.

Ani Ian sa online mediacon para sa virtual show na Christmas with the Stars, swerte pa rin siya dahil maraming trabaho na pumasok kahit nu’ng kasagsagan ng pandemya last year.

Kaya naman this time, gusto niyang ibalik ang blessings at tumulong sa independent production workers group.

Malalaking pangalan sa OPM ang makakasama nina Ian at Ogie gaya nina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, Jose Mari Chan, The Company, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano at National Artist Maestro Ryan Cayabyab.

Katuwang sa proyektong ito ng A-Team ni Ogie ang Ortigas Malls.

Bisitahin ang website ng Ortigas Malls para sa mechanics ng libreng tikets.

Ang Christmas with the Stars ay mapapanood via streaming sa KTX sa December 11, 7 p.m.

AUTHOR PROFILE