John Lloyd

Fun and strong marriage, wish ni Lloydie para kina Ellen at Derek

November 22, 2021 People's Tonight 236 views

NAGPAKA-ORDINARYONG tao si John Lloyd Cruz sa El Nido, Palawan sa loob ng ilang taon nang talikuran niya ang kasikatan.

Pinuntahan talaga ni Jessica Soho si Lloydie sa El Nido at doon sila nag-usap para sa Kapuso Mo, Jessica Soho feature ng broadcast journalist para sa 17th anniversary ng magazine show.

Rason ni JLC sa pagpili sa El Nido, “Buong buhay ko yata nasa Manila na ako. Dito ko pinili dahil tahimik at simpleng tao lang ang pagtanggap nila sa akin.”

Tila na-burn out na si John Lloyd sa araw-araw na trabaho kaya pinili niyang mamahinga muna nang matagal.

Siyempre, hindi napigilan ni Jessica na tanungin si JLC sa reaksyon niya sa pagpapakasal ng ex niyang si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

“Finally, she found the one. I wish them strong and fun marriage,” saad ni Lloydie.

Kinumpirma ng aktor ang paggawa niya ng sitcom sa GMA at pelikula with Bea na request ng GMA Pictures boss na si Annette Gozon-Valdez. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE