Default Thumbnail

Full seating capacity na sa public transportation

October 30, 2021 Jun I. Legaspi 335 views

SIMULA sa Thursday, November 4, 2021 70% hanggang full seating capacity na ang mga public transportation kabilang ang rail transporation sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite, ayon sa Department of Transportation.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong October 28, 2021 ang rekomendasyon ng DOTr na magkaroon ng pagtaas sa seating capacity sa mga public transportation.

“Noong nag-meeting ang IATF, na-determina nila na karamihan po ng ating mga mamamayan na pumapasok din sa NCR ay nanggagaling sa mga karatig probinsya natin, kaya minarapat po ng IATF na isama na rin po ‘yung mga karatig probinsya. ‘Yan po ang Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, para naman po ang ating mga mamamayan na pumapasok dito sa loob ng NCR ay makinabang din po dito sa pagtataas ng kapasidad ng ating mga pampublikong sasakyan,” pahayag ni (DOTr) Undersecretary for Administrative Artemio Tuazon.

Dahil unti-unti nang nagbubukas ang ating ekonomiya, tumataas na rin ang pangagailangan ng mga pasahero mula sa pampublikong sasakyan, hindi lamang sa kalsada kundi maging sa riles.

Tayo po ay nakikipag-coordinate sa ating mga rail operators sa LRMC para sa LRT-1, LRTA para sa LRT-2, MRT-3, at pati sa ating PNR upang mapaghandaan po natin ‘yung ating mga pagbabantay, lalo na po ‘yung ating mga train marshals na kakailanganin po na masigurado na habang nag-aakyat po tayo ng kapasidad ay naipapatupad po natin ang ating mga ibang public health safety measures po,” ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Ang pagtaas ng seating capacity ay malaking tulong sa ating mga kababayang tsuper at operator upang madagdagan muli ang kanilang mga kita. Para sa mga traditional at modern jeepneys, papayagan na ang mga tsuper na magdagdag ng 4-5 pasahero, habang sa mga bus naman ay pahihintulutan na ang mga standing passengers.

Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng health safety measures ng I-ACT, Land Transproation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regultory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG), ay ipatutupad na rin ang pagtanggal sa mga plastic barriers sa loob ng mga sasakyan.

“‘Yung 70% capacity po as shown, will provide financial support to our drivers and operators on top of the forthcoming fuel subsidy po, kung kaya’t nais po sana naming ulitin po sa ating mga drivers at operators na hindi po rason itong ating kinakaharap na pagtaas ng fuel prices upang punuin po talaga ‘yung sasakyan,” pahayag naman ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor.

AUTHOR PROFILE