Full moon
HINDI man namataan ang bilugang buwan sa mga larawan ng bombshell actress na si Sunshine Guimary, nasipat naman ng netizens ang bilugang pakwan niya.
Hindi man nakasama ng mga kelot ang sexy star sa beach, sa isang Instagram post na lang sila nag-sightseeing para pagmasdan ang magandang view ng kanyang katawan.
Kahit nga gabi na, pasabog pa rin ang pagpapainit ni Sunshine sa ibinida niyang mga bikini photos. Lubog man ang araw, sure na titirik ang mata ng mga barako sa kanyang nag-uumapaw na sex appeal.
Madilim man ang background at kahit na may kalabuan ang larawan niya, malinaw na malinaw naman ang nag-uumapaw na karisma ng hot actress.
Bumakat ang “full moon” sa suot niyang two-piece string bikini. Busog lusog ang sangkalalakihan sa malaman niyang patakam.
Kabogera rin ang juicy hips ni Sunshine, hindi na nakapagtataka na paboritong i-zoom ng kanyang male fans ang kanyang korte sa camera.
Hindi magkandaugaga ang kanyang followers sa kanyang post. Walang pag-aalangan ang pag-double tap ng netizens sa kanyang mga larawan para ito’y pusuan.
Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).