Antipolo

Frontliners sa paglilinis

February 3, 2022 People's Tonight 162 views

Kinilala ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares hindi lang ang kabayanihan ng mga frontliners na medikal, kungdi maging ang mga frontliners na babad sa ilalim ng init ng araw at naglilinis ng lansangan sa likod ng banta ng COVID-19.

Sinabi ni Mayora Andeng Ynares na saludo siya sa mga street cleaners dahil hindi nila inaalintana ang init, at alikabok sa lansangan, para masigurong malinis ang kapaligiran at lungsod. Kayat sa tulong ng Nabaja Development Corporation ay namigay ng food packs si Mayora Andeng sa mga street cleaners sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang sipag, tiyaga at paglilinis sa Antipolo.

AUTHOR PROFILE