Default Thumbnail

Free travel tax sa piling pasahero aprub ni PBBM

August 9, 2024 Chona Yu 142 views

MAY magandang regalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga mahilig bumiyahe.

Ito ay dahil sa inaprubahan na ni Pangulong Marcos ang travel tax exemptions para sa mga pasahero mula sa international airport at seaports sa Palawan at Mindanao na patungo sa Brunei, Indonesia at Malaysia.

Batay sa Memorandum Order No. 29 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 6, layunin nito na mapalakas pa ang economic development sa Mindanao at Palawan.

Tatagal ang tax exemption hanggang sa Hunyo 30, 2028 maliban na lamang kung babawiin ng Pangulo.

Kasama sa tax exemption ang mga pasahero na mayroong connecting flights mula sa Mindanao at Palawan patungo sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area sa loob ng 24 oras.

Maaring makuha ang Travel Tax Exemption Certificate sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

AUTHOR PROFILE