MPD MPD chief Director PBGen. Leo M. Francisco Kuha ni JON-JON REYES

Francisco pinaigting kampanya laban sa pagkalat ng Delta variant

July 26, 2021 Jonjon Reyes 94 views

MAHIGPIT na pinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno kay Manila Police District (MPD) chief Director PBGen. Leo M. Francisco na panatilihin ang kaayusan sa buong siyudad.

Alinsunod dito, pinag-utos ni Francisco sa lahat kanyang pulis station commanders mula Police Station 1 hanggang Police Station 14 na siguraduhing payapa at ligtas ang lahat ng kalye at lugar sa Maynila.

Ayon kay Francisco, pagtutuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling State of the Nation Address ang peace and order situation sa Maynila at ang mga hakbang na ginagawa ng mga otoridad upang di lumaganap ang Delta variant sa siyudad.

Nagbigay ng mahalagang mensahe si Francisco sa mga kapulisan na paigtingin ang pagbabantay sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar at mag doble-ingat ang mga ito laban sa Delta variant.

Maging ang mga mamamayan ng Maynila ay pinagdoble-ingat niya kaugnay sa mas nakakahawa at nakamamatay na COVID-19 variant.

“Ugaliin at panatilihin ang social distancing at laging maghugas ng kamay ang bawat isa,upang malabanan at maiwasan ang nasabing bagong virus,” ani Francisco.

Naging maayos naman ang mga rally at tahimik sa lungsod buong Lunes. Nina FRANCIS NAGUIT & JOJ-JON REYES

AUTHOR PROFILE