Francisco

Francisco nag-ikot sa mga pampublikong sementeryo

November 1, 2021 Francis Naguit 70 views

PERSONAL na nag-inspeksyon si MPD Director P/Brig.Leo Francisco sa mga pampublikong sementeryo sa Maynila Lunes ng umaga.

Partikular na inikutan ni Francisco at ilang opisyal ang Manila North Cemetery (MNC) para sa mga nagtatangka pa ring makapasok sa kabila ng pagsasara ng mga sementeryo mula Oct.29 ng hapon.

Ayon kay Francisco, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng mga kapulisan sa mga sementeryo sa Maynila hangang sa susunod na linggo.

Aniya, inaasahan kasi na sa susunod na Sabado at Linggo ay posibleng mga araw ng pagdagsa ng mga bibisita sa kani-kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ito aniya ang kanilang paghahandaan kung anong klaseng seguridad ang kanilang ilalatag.

Sa tantya ni Francisco, umabot lamang sa 40,000 ang pumasok sa MNC nitong nagdaang linggo at wala naman aniyang naitalang anumang untoward incident.

Partikular din na binabantayan ngayon ng mga kapulisan at ng force multipliers ang mga inilalagay na ‘hagdan’ sa loob ng sementeryo bilang tawiran o lusutan ng mga nagtatangkang makapasok sa sementeryo.

Nagpaalala din si Francisco sa publiko na sundin ang patakaran na inilatag ng Department of Health (DOH) at nang Inter-Agency Task Force o IATF. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE