Baha MPD chief, PBGen. Leo M. Francisco ,nakahandang tumulong ang MPD sa mga mangangailangan sa mga oras ng kalamidad tulad na ng mga nasalanta ng bahang dala ng ulan ng bagyong Fabian sa siyudad noong Miyerkules. Kuha ni JON-JON REYES

Francisco: MPD papanatiliin ang peace, order sa Maynila

July 21, 2021 Jonjon Reyes 525 views

PAPANATILIIN ng Manila Police District (MPD) ang kaayusan at katahimikan sa Lungsod ng Maynila ayon sa kautusan ni Manila Mayor Isko Domagoso Moreno.

Ito ang pangako ni MPD chief, PBGen. Leo M. Francisco, na siniguro ring naka-alerto ang lahat ng kapulisan ng Maynila mula Station 1 hanggang Station 14 laban sa mga masasamang loob.

Dagdag pa ni Francisco na nakahanda ring tumulong ang MPD sa mga mangangailangan sa mga oras ng kalamidad tulad ng mga nasalanta ng bahang dala ng ulan ng bagyong Fabian sa Maynila.

Sa mga oras na ito nagsasamantala ang mga masamang loob, ayon kay Francisco.

Sinabi rin ni Francico ay nakahanda na rin ang MPD sa ano mang mga pagtitipon o insidente na mah kimalaman sa huling State of the Nation (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.

Alinsunod sa mga paalala ni Mayor Isko ay pinag-iingay din ni Francisco ang mga residente laban sa COVID at sinabing patuloy sumunod ang lahat sa mga health protocols upang masugpo na ang pandemya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE