Francine

Francine ‘natunaw’ sa sinabi ni Seth

November 30, 2024 Vinia Vivar 48 views

Ayon kay Seth Fedelin, nag-level-up na ang nararamdaman niya sa ka-loveteam at leading lady sa pelikulang “My Future You” na si Francine Diaz.

Aniya, nasa stage na sila na kaya na niyang ipaglaban si Francine.

“Siguro, ‘yung friendship na meron kami ni Francine, mas naggo-grow siya, mas nandu’n na ‘ko sa tipo na kaya ko na siyang protektahan, kaya ko nang magsalita rin,” sey ni Seth sa mediacon ng ‘My Future You.’

“Sabi ko kanina, ‘wag magsalita ‘di ba? Pero meron ding dapat na panahon na magsalita ka at sa tamang tao na ipaglalaban mo. So, ganu’n ‘yung meron akong nararamdaman para kay Francine.

“Kaya ko na siyang mas ipagtanggol ngayon, kaya ko nang mas panindigan, mas kaya ko nang tumayo, ako na ‘yung nasa harap ni Chin (Francine), sa likod lang siya,” seryosong sabi ni Seth.

Nang mahingan ng pahayag si Francine sa sinabi ng ka-loveteam, tila kinikilig niyang sabi, “Nag-melt po yata ako.”

Nagpasalamat ang aktres kay Seth at aniya, “It’s really nice po talaga to have someone na nandiyan para protektahan ka at ganu’n din naman ako sa kanya. ‘Yun lang po. Ayaw ko lang pong pahabain kasi sa ‘min na lang ‘yun.”

Samantala, ang “My Future You” ayng first movie ng FranSeth hatid ng Regal Entertainment.

Isa ito sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival mula sa direksyon ni Crisanto Aquino.

AUTHOR PROFILE