Panday (Mula sa kaliwa) FPJ Panday Bayanihan party-list 2nd nominee Mark Patron, Senador Grace Poe, aktor na si Coco Martin, 1st nominee Brian Poe at 3rd nominee Hiyas Dolor.

FPJ BAYANIHAN PASOK SA TOP 5

February 26, 2025 People's Tonight 234 views

Ng OCTA survey

PATULOY na umaangat sa party-list surveys ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na pinangungunahan ni Brian Poe, matapos nitong tumaas mula ika-101 puwesto patungo sa ika-4 na ranggo sa survey ng OCTA Research.

Sa Tugon ng Masa survey na isinagawa mula Enero 25 hanggang 31, nakakuha ang FPJ Panday Bayanihan ng 3.84 porsyento, dahilan upang mapabilang ito sa nangungunang party-list groups.

Mula sa 155 party-list organizations, napabilang ang FPJ Panday Bayanihan sa 15 grupo na nakakuha ng higit sa dalawang porsyento, na nagsisiguro ng kahit isang puwesto sa Kongreso.

Ang survey ay may 1,200 respondents at may ±3 porsyentong margin of error.

“Ito ay patunay ng tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa serbisyong hatid ng Poe. Ang paniniwalang ito sa amin ang nagsisilbing inspirasyon sa aming hangaring magbigay ng dekalidad na serbisyo,” ani Poe.

Layunin ng FPJ Panday Bayanihan Party-list na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa, kaunlaran at sama-samang responsibilidad ng bawat Pilipino. Ang adhikain nito ay nakaugat sa tradisyon ng bayanihan—ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Marami nang natulungan ang grupo, kabilang ang mga nasalanta ng bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, lindol at maging ang mga naapektuhan ng pandemya. Kamakailan, matagumpay nilang isinagawa ang kanilang star-studded kickoff rally sa San Carlos, Pangasinan.

AUTHOR PROFILE