CPP

Founding chairman ng CPP-NPA, pumanaw na

December 17, 2022 Zaida I. Delos Reyes 126 views

MATAPOS ang dalawang linggong pagkakaratay sa hospital, pumanaw na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison sa edad na 83.

Ang naka self-exile sa Netherlands na founding chairman ng CPP ay nalagutan ng hininga dakong 8:40 ng gabi nitong Biyernes.

Ayon kag CPP chief information officer Marco Valbuena, nagluluksa ang kilusan sa pagpanaw ng kanilang itinuturing na guro.

“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines , passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” pahayag ni Valbuena.

Matatandaang itinatag ni Sison, isang aktibista ang makakaliwang rebolusyunaryong organisasyon na CPP noomg 1968.

Sa kasalukuyan, may limang dekada nang inilulunsad ng CPP kasama ang armadong grupo ng New People’s Army (NPA) at political arm na National Democratic Cront (NDF) ang pagrerebelde sa gobyerno.

“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” pahayag ni Valbuena.