Marian Rivera

Foreigner at Pinoy TikTokerists, kumasa sa viral dance challenge ni Marian

September 8, 2023 Vinia Vivar 212 views

Masayang-masaya si Marian Rivera sa mga TikTokerist na nag-participate at gumaya sa kanyang viral TikTok dance video na “Sabay-Sabay Tayo” na ipinost niya last week.

Sa kanyang bagong TikTok entry ay ipinakita niyang pinanonood niya ang mga TikTokerist na kumasa sa “Sabay-Sabay Tayo” dance challenge at karamihan nga ay gayang-gaya pati outfit niya. “Feeling grateful for all the amazing dancers who participated in the Sabay Sabay Tayo challenge! You all blew me away 🤩literal pinahirapan ko sarili ko ang hirap pumili 🙈😅 And for those who haven’t joined yet, there’s still time to show off your moves!” caption ni Marian. \Habang pinapanood niya ang mga sayaw ng netizens ay aliw na aliw si Marian at binabanggit pa ang names ng mga ito

May isang TikTokerist na halos natalbugan siya sa paggiling kaya natatawa niyang sabi, “hindi ako lalaban dito.”\

Masaya pa niyang sambit, “Parang wala akong masabi, ah. Parang nakaka-overwhelm ‘to,” masaya niyang sey.

Hanggang sa ibang bansa ay napapanood ang video ni Marian at ginagaya rin siya ng netizens doon both foreigners and Pinoy.

“Mukhang pinahirapan ko ‘yung sarili ko pero excited ako at pipili ako ng aking makakasabay-sabay sa dance floor,” sey ni Yan.

Sa ngayon ay nasa 20 million na ang views ng “Sabay-Sabay Tayo” dance video ni Marian.

AUTHOR PROFILE