WHAT'S NEW

SEE ALL
Sherwin Gatchalian

‘Flood-friendly’ areas dapat bahain ng anti-baha projects

August 12, 2023 Camille P. Balagtas 185 views

BINIBIGYANG-diin ni Sen. Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagkakaroon ng epektibong programa sa pagkontrol ng baha.

“Dahil sa masamang epekto ng climate change sa ating mga komunidad, kailangan ng pamahalaan na magtayo ng sapat na mga imprastraktura na magbibigay ng sapat na proteksyon sa mga lugar na madalas bahain at nagdudulot ng pagkasira ng mga bahay, pananim, at iba ang mga ari-arian,โ€ sabi ni Gatchalian.

Umiikot ngayon ang senador sa Pangasinan, Bataan, Pampanga at Bulacan para suriin ang resulta ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo, kamustahin ang kalagayan ng mga apektadong pamilya at mamahagi ng humigit kumulang P8.5 milyong bigas sa mga biktima ng kalamidad.

Ilang bayan at munisipalidad sa buong Pangasinan, Bataan, Pampanga at Bulacan ang idineklarang nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng hagupit ng mga bagyong Egay at Falcon.

Sa Bulacan, nakalaan ang P5.2 milyong bigas para sa mga apektadong komunidad sa Malolos, Calumpit, Hagonoy, Balagtas, Paombong, Obando, San Miguel, Guiguinto, Pandi, at Plaridel.

Pamumunuan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagtanggap ng ayuda galing sa senador.

Sa Pangasinan, pamumunuan nina Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla at Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplam ang pagtanggap ng P1.25 milyong bigas para sa mga apektadong pamilya.

Aalamin din ng senador ang kalagayan sa Pampanga at Bataan at pupulungin din niya sina Bataan Governor Joet Garcia at Pampanga Governor Delta Pineda.

Tig-P1 milyon ang halaga ng bigas na ibibigay sa dalawang lalawigan.

โ€œDahil sa epekto ng climate change, magiging balakid ang ganitong mga pagbaha sa pag-unlad ng bansa kung hindi ito agarang masosolusyunan,โ€ diin niya.

Kasabay ng pahayag ng Pangulo na mayroon nang master plan ang kanyang administrasyon upang mabilis na matugunan ang climate change, kabilang ang pagtatayo ng isang malaking water dam para maiwasan ang pagbaha at ayusin ang agrikultura ang panawagan ni Gatchalian.