
Flirting is healthy — Ogie
Dahil nalalapit na ang Valentine’s Day, may payo si Ogie Alcasid sa mga babae na walang love life.
Sey ng OPM singer/songwriter sa mediacon ng upcoming concert niya na “OAC: Original & Absolute Classics,” hindi masama ang lumandi.
“Flirting is healthy. Hindi bawal ang lumandi. Ako, sa ‘kin, ha? Kung mayroon kang natitipuhan at kumbaga, may tinitibok ang puso mo, hindi bawal lumandi. Of course, bawal kung may asawa ka na, ‘no?” dagdag pa niya.
Inamin naman niya na nagpi-flirt pa rin sila ng asawang si Regine Velasquez sa isa’t isa.
“Halimbawa, magkasama kami or magkayakap, sasabihin ko, ‘o, kunwari ano, nag-camping tayo, tapos, kunwari ano, hindi tayo close masyado, tapos kumulog, natakot ka,’” natatawang kwento ni Ogie.
“It never stops. The romancing between husband and wife,” aniya pa.
Samantala, kung ang misis niya ay may Valentine concert na “Reset” sa Feb. 14, 15, 21 at 22, gaganapin naman ang “OAC: Original & Absolute Classics” ni Ogie sa Feb. 13, 8:30 p.m., sa Solaire Resort North Grand Ballroom.
Sobrang excited ni Ogie sa concert na ito dahil for the first time ay makakasama niya sa stage ang music icons na sina Louie Ocampo at National Artist Maestro Ryan Cayabyab.
Naka-collaborate na ni Ogie individually sa concert ang magagaling na composers pero ngayon lang mangyayari na magsasama-sama silang tatlo.
Naikuwento nga ni Ogie na ideya niya na magsama-sama sila sa concert at sobrang saya niya na pumayang ang dalawa.
“It’s a wonderful opportunity for me, a great honor to be with this two gentlemen who have contributed so much to the Philippine music scene and the industry as well,” sey niya.
“If you could pinch me if this is true, you know. I mean to say that in all honesty that I am really thrilled to be with them,” dagdag pa niya.
Nilinaw naman ng dalawang magagaling na composers na siyempre, Ogie will do all the singing at ipe-perform nito ang kanilang ginawang original songs.
“This is really an Ogie showcase, showcasing all the love songs that we have done. Please don’t expect us to be the singers that we are not,” natatawang sabi ni Maestro Ryan.
“And it’s really a serenade to the ladies. That’s why, we do not have any ladies with us, because we’re serenading all the ladies with our original songs,” dagdag pa niya.
Sa nasabing presscon ay inanunsyo rin ni Ogie ang magiging guests at ito ay sina “The Voice USA“ Season 26 grand champion Sofronio Vasquez at musical duo na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.