
‘Flaming body’
NANG itaas ni Cariz ang kanyang damit, tumaas din ang libido ng mga barako sa kanya.
Ginanahan ang netizens sa ganadong-ganadong pagpapatakam ng sexy star sa kanyang Instagram page.
Muli ngang ibinida ni Cariz ang killer body niya sa ilang larawan. Kahit madilim na dahil sa lubog na ang araw sa kanyang background, nagpokus ang sangkalalakihan sa magandang katawan ng hot actress.
Mapanukso ang pagtataas ni Cariz ng kanyang damit sa post. Nang iangat niya ito, tumambad ang magandang hugis ng kanyang wangkata.
Sumilip ang string panty niya kung saan sumingit din ang kanyang singit. Gusto ring mag-hello ng underboob ng bebot.
Kahit nga malamig ang simoy ng hangin sa gabi, sey ng mga kelot sa kanya, nag-aapoy ang post ni Cariz dahil sa kanyang hotness.
Pinagkaguluhan nga sa comment section ang alindog na ibinandera ni Cariz. Tuwang-tuwa ang netizens sa rapsang dala ng aktres.
“D*mn so hot,” at “Flaming body” ang naging komento ng ilang IG user.
Unang nakilala si Cariz bilang social media influencer sa YouTube at TikTok.
Noong 2024 pinasok naman niya ang mundo ng acting. Naitampok na siya sa ilang proyekto ng Vivamax kabilang na ang “Katas,” “Kulong,” “Sisid Marino,” at “Lamas.”