Dizon

FLAGG Nagbabala

May 17, 2022 Lee Ann P. Ducusin 261 views

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang transparency group na Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAGG) kaugnay ng napaulat na plano umanong kunin ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanyang gabinete si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer Vince Dizon.

Ayon sa FLAGG, maraming mas epektibo ang maaaring makatuwang ng papasok na Marcos administration.

Sinabi ng FLAGG na usap-usapan sa business sector ang umano’y pagpalit ni Dizon kay DOTr Secretary Arturo Tugade.

“Nag-uumpisa pa lang ang transition ay may mga alingasngas nang ganyan? Hindi maganda iyan kaya dapat kami na ang nagbibigay warning kay PBBM na kastiguhin agad ang mga ganitong uri ng balita,” sabi ng FLAGG.

Ayon sa kanila, walang problema kung kumuha ng taga ibang kampo si Marcos upang makatuwang nito sa gabinete dahil iyon ang tunay na diwa ng panawagan nitong pagkakaisa.

Kaya lang, dapat ay mayroon tamang panuntunan at batayan, higit lalo kung ang isang personalidad ay may kaakibat na kontrobersiya, sabi pa ng FLAGG. Ni LEE ANN P. DUCUSIN

AUTHOR PROFILE