Liza2

FL Liza Marcos umayuda sa biktima ng bagyo sa Batangas

November 11, 2024 Jojo C. Magsombol 124 views

PUMUNTA sa Talisay, Batangas noong Linggo si First Lady Liza Araneta-Marcos upang magpaabot ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ang pinansyal na tulong sa ilalim ng programang Assistance to the Bereaved Families of Typhoon Kristine na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tumanggap din ang mga apektadong pamilya ng karagdagang financial aid mula sa DigiPlus Interactive.

Nagpaabot ng pasasalamat si Gov. Hermilando Mandanas sa lahat ng tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Nasyonal at iba’t-ibang mga pampubliko at pribadong organisasyon sa mga Batangueño.

Nakibahagi rin sa event sina DSWD Undersecretary Pinky Romualdez, Batangas First Lady Atty. Angelica Chua-Mandanas at Vice Governor Mark Leviste.

AUTHOR PROFILE