FL Liza Marcos pinangunahan Xmas tree lighting sa Baguio Mansion
PERSONAL na pinangunahan ni First Lady Liza Marcos ang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree sa Mansion House sa Baguio City.
Ayon sa pahayag ng Office of the Social Secretary, tampok ngayong taon ang mga traditional Filipino parols at ornaments na hango sa mayamang kultura ng Cordillera region.
Tampok rin ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw.
Ipinakita rin ang cultural performances, Christmas carols ng mga local choirs at marching band.
Mayroon ding photo area sa Christmas tree kung saan maaring pagpakuha ng litrato ang mga bisita.
βThe city of Baguio continues to be a top holiday destination, and events like the Mansion House Christmas Tree Lighting highlight its unique blend of tradition and modern celebration,β pahayag ng Office of the Social Secretary.
Ito ang unang pagkakataon na binuksan sa publiko ang Mansion House.
Iniimbitahan ang lahat na bumisita sa Mansion House at isabuhay ang diwa ng Pasko na pagbibigayan at pagkakaisa.