FL Liza Marcos nagpasalamat sa ayuda ng UAE sa Carina victims
TAOS PUSONG nagpasalamat si First Lady Liza Marcos sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa tulong na ibinigay sa Pilipinas para sa mga biktima ng bagyong Carina at Habagat.
Sa Instagram post, sinabi ni First Lady Marcos na nakatataba ng puso ang ayuda ng UAE.
“Thank you to the United Arab Emirates for their generous humanitarian aid to the flood victims of Typhoon Carina,” pahayag ni First Lady Marcos.
Nasa 80 tonelada ng relief goods ang ibinigay ng UAE sa Pilipinas.
Kabilang na ang gatas, bigas, cooking oil, asukal, asin at canned goods.
“UAE’s assistance to the Philippines in times of natural calamities is a testament to the enduring cooperation and warm friendship between our two countries,” pahayag ni First Lady Marcos.
Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 39 katao ang nasawi sa bagyo.