LTO OUTREACH – Personal na binisita ni DOTr Assistant Secretary at LTO Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II (pangatlo mula kanan), ang outreach program ng ahensya Sabado sa Marikina City. Kuha mula sa LTO-Strategic and Communications

FIxers sa LTO tapos na maliligayang araw

February 17, 2024 Jun I. Legaspi 959 views

MAS pinaigting pa ng Land Transportation Office (LTO) ang programa nitong on-site issuance ng student permits at renewal ng driver’s license at motor vehicle registration bilang agresibong kampanya laban sa mga illegal fixers, ayon kay Department of Transportation (DOTr) assistant secretary at LTO chief, Atty. Vigor D. Mendoza II.

Sinabi ni Mendoza na personal niyang binisita ang kanilang outreach program sa may Barangay Parang, Marikina City, nitong Sabado sa pag-iisyu ng mga student permits, driver’s license at maging renewal ng registration ng mga sasakyan.

Nagbigay din ang ahensya ng libreng medical service sa mga lumahok at kumuha ng mga driver’s license, saad ni Mendoza.

“Malinaw ang utos ng ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at DOTr Secretary Jaime J. Bautista, ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa tao sa ilalim ng Bagong Pilipinas program,” saad ni Mendoza.

“Ito rin ang sagot ng inyong LTO upang tuluyang tuldukan ang mga maling gawain ng fixers na nagpapasama sa imahe ng aming ahensya. Through this outreach program, we are going directly to the communities to serve the people who are too busy, or have their own personal reasons, why they could not immediately go to our offices,” saad ni Mendoza.

Mula nang maging chief si Mendoza sa LTO noong nakaraang taon, agad nitong isinulong ang mga programa kung paano mapapabilis at maging mas convenient ang transactions sa ahensya para sa mga tao, lalo ang full digitalization program na isinusulong din ng gobyerno upang mabawasan ang human intervention sa lahat ng transaksyon sa LTO.

Sa ngayon, in closed coordination ang LTO sa Philippine National Police at iba pang enforcers sa pagpapaigting ng kampaya laban sa mga illegal fixers, sabi ni Mendoza.

Nagpapakalat sila ng mga maling impormasyon na mahirap ang transactions sa LTO para nga naman sila ang bida at sila ang kikita, dagdag ni Mendoza.

“Maayos po! Komportable, mabilis at ligtas ang pagsasagawa ng outreach program ng LTO. Mas lalo nating nailalapit ang gobyerno sa mga tao,” tugon ni Mendoza.

Inatasan din ni Mendoza ang lahat ng regional directors ng ahensya sa buong bansa na i-replicate ang outreach program sa pagbibigay ng student permits, driver’s license na non-pro at professional, at renewal ng mga motor vehicle registration.

AUTHOR PROFILE