Fitter ng barko, nagtapuang patay

August 12, 2022 Jonjon Reyes 165 views

INIIMBESTIGAHAN ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 49-anyos “fitter” ng isang barko na natagpuan nakahandusay at walang malay sa hagdanan ng second deck, kamakalawa ng umaga sa Manila North Harbor sa Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Diego Cadogdog, residente ng San Andres Proper, Batangas City.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Roderick Magpale, ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, alas 5:30 ng umaga, isang ordinary seaman ng MV MC Zion ang nakadiskubre sa biktima na nasa hagdanan ng second deck ng barko at nakahandusay.

Kaagad umano itong ini-report sa medical officer ng barko pero hindi pa rin ito nagkamalay kaya isinugod sa pagamutan kung saan idineklarang “dead on arrival”.

Wala naman nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima.

Dinala ang bangkay ng fitter sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya upang matukoy ang ikinamatay ng biktima.

AUTHOR PROFILE