Crime

Fish vendor binaril sa ulo, patay

September 26, 2023 Melnie Ragasa-limena 249 views

DEAD-on-the spot ang isang tindero ng isda matapos barilin sa ulo ng dalawang lalaki sa palengke sa Quezon City Martes ng umaga.

Nagtamo ng dalawang tama sa ulo ang biktimang si Antonio Amisula, 30.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente pasado alas 3:00 ng hapon Setyembre 26 sa tapat ng CI Market sa Quirino Highway, Barangay Sta. Monica, Quezon City.

Ayon sa ilang testigo, nagtutulak ng cart ang vendor na puno ng mga isda nang lapitan ng dalawang suspek at binaril ng dalawang beses sa ulo ng isa sa mga suspek.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.