Go Ang lalaking napaiyak dahil pinuntahan ni Sen. Bong Go ang mga fire victims sa Quezon City.

Fire victim napaiyak, tinawag na ‘sign of hope’ si Bong Go

July 1, 2021 People's Tonight 152 views

ISANG lalaking biktima ng sunog sa Project 6, Quezon City ang nakaagaw ng pansin ni Sen. Bong Go habang personal siyang namamahagi ng ayuda kasama ang kanyang outreach team sa mga nasunugan sa nasabing lugar noong Hunyo 29, 2021.

Parang nanghihina ang lalaki at umiiyak. Inakala ni Go na baka nasaktan ito sa sunog o kaya ay may dinaramdam kaya agad niyang nilapitan para alamin ang kondisyon nito at kung kailangan ng medical assistance.

Wala naman daw pinsala o sakit ang lalaki. Ang sabi lang nito: “Napaiyak lang po ako kasi pinuntahan ninyo talaga kaming mga nasunugan. Parang sign of hope po na dumating kayo…”

AUTHOR PROFILE