Liza

Film and Live Events Recovery Act, inaprubahan

January 19, 2022 People's Tonight 159 views

APRUBADO na sa Lower House o Kongreso ang House Bill10541 o proposed Film and Live Events Recovery Act.

Ito ay ang pagbaba ng amusement tax from 10 percent to five percent na nakokolekta mula sa may- ari, lessees o operators ng sinehan, concert venues, boxing stadium at iba pang amusement places.

Nagpasalamat si Chair Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa nagsulong na maipasa ang batas.

Ang counterpart ng bill sa Senado ang waiting na maaprubahan bago pirmahan ni Presidente Duterte.

GABBI AT KHALIL, BALIK-TAPING SA NAUDLOT NA SERYE

NAG-RESUME na ang taping ng Kapuso series ng couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na Love You, Stranger.

Natigil ang taping nito last year for some unknown reasons matapos itong simulan.

Ang Love You, Stranger ang unang series together ng Gabbi-Khalil loveteam. Nakagawa na sila noon ng projects together pero bitin ang fans nilang dalawa dahil shortlived lang ang programang ginawa nila.

Sina Gabbi at Khalil ay dalawa sa ilang GMa stars na pambato ng istasyon ngayong 2022. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE