ISHIN

FiLay tandem nina Barbie at David, parang aso’t pusa nagsimula

January 30, 2023 Ian F. Fariñas 292 views

TINATANAW na malaking utang na loob ni David Licauco sa fans ang kasikatan ng FiLay tandem nila ngayon ng Maria Clara at Ibarra co-star na si Barbie Forteza. Kung hindi raw sinuportahan ng mga ito ang onscreen pairing nila, hindi makikilala nang husto ang FiLay at hindi rin sila magkakaroon ng kauna-unahang endorsement bilang magka-loveteam, ang Ishin Skin, na pag-aari ng mag-asawang Mario Miguel at Shirleen Bautista.

Sa katatapos na contract signing at launch ng FiLay bilang Ishin ambassadors, sinabi ni David na, “Kasi ‘yung character description ko at the start was love interest ni Barbie and a good friend of Ibarra (Dennis Trillo). So ayun, as na-develop ‘yung story, dahil nagustuhan siya ng mga fans like ‘yung mga nandito, sobrang salamat, dahil sa inyo, eh, nandito ako ngayon. Dahil kung wala ‘yung mga fans na sinuportahan ako, ‘yung Fidel and FiLay, I don’t think na nandito ako ngayon sa Ishin, kaya super thankful, salamat sa inyong lahat, super grateful sa inyo.”

Maging si Barbie, hindi rin in-expect na mainit na tatanggapin ng fans ang third pairing nila ni David.

“Kung hindi ako nagkakamali, third na namin itong nagkatrabaho (ni David) so ngayon na magkasama kami uli sa Maria Clara at Ibarra, there were no expectations really. Actually, kahit naman ‘yung relationship ni Klay at ni Fidel, na-build na lang din, eh, pero nagsimula talaga kami na aso’t pusa, ‘di ba, laging nagde-debate and all na ‘yun ang nagustuhan ng mga tao,” kwento ni Barbie.

Wala naman daw dapat ipag-alala ang boyfriend niyang si Jak Roberto dahil business partnership lang ang relasyon nila ni David.

Sabi pa ni Barbie, “Sa totoo lang, wala akong masabi kay Jak talaga. Siguro, malaking tulong na artista rin siya and parehas kami ng industriya, matagal na rin niyang ginagawa ‘to, so alam na niya ang kalakaran.

“Even with David and I, it’s very clear to the both of us that this is business partnership and we’re both very grateful for Filay.

“Pero si Jak, grabe! Talagang malaki ang pasalamat ko sa kanya kasi ni hindi ko kailangang i-explain sa kanya kasi naiintindihan niya talaga and he’s just so happy for me, for the both of us, kasi magkaibigan din sila ni David.

“So, ayun, grabe, thank you, I love you,” sabi pa ng aktres patungkol sa BF.

Anyway, ang Advanced White whitening supplement, paboritong produkto nina David at Barbie, ang isa sa bestselling products ng Ishin.

May ni-launch din silang mga bagong produkto gaya ng Ishin Premium Soap, Ishin Premium Scrub at Ishin Premium Lotion.

Mabibili ang Ishin products sa kanilang website (www.ishinbeauty.com).

AUTHOR PROFILE